Asking about Baby
Hi mga momshies, ilang weeks nyu naramdaman na may napintig na na buhay sa tyan nyu? Ilang months nyu naman naramdaman yung pag galaw ni baby sa tyan nyu? 7weeks preggy na here, pero parang di ko nararamdaman yung pitik ni baby. Kahit pintig po nya. #preggymom #PreggyMoments #preggyMomHere #preggy_7weeks
Masyado pa maaga 7 weeks, kasingliit pa lang ng butil ng bigas yan. Sakin around 16 weeks ko una naramdaman yung “quickening” na tinatawag. Mga small movement ni baby na parang pintig at alon. Habang tumatagal, mas nagiging strong ang movement nya. Around 24 weeks up ayan medyo makulit na sya nyan. Ngayon nasa 34 weeks na ko, as in ramdam na ramdam na movements nya at mas strong na since mabuto na rin sya nyan. Although depende pa din po yan sa mommy. Nakadepende sa body type, pwesto ni baby, pwesto ng placenta at syempre depende kay baby.
Đọc thêmIf you are referring sa heartbeat ni baby mi, never mo sya mararamdaman kahit mag 9 months pa. Yung pintig nafefeel pag preggy is yung abdominal aorta mo mismo. Yung pitik pitik naman usually sa 2nd tri na yon. 18wks or 20wks ganon. Sa iba earlier lalo if di first time mom. And depends pa sa location ng placenta mo. Yun na yung start ng movement ni baby.
Đọc thêmfor Ftm po 18weeks up, and pag 2nd, 3rd and so on na, as early as 13weeks naman. Depende pa sa placenta mo- anterior or posterior, mataba or payat ba. Kung may pintig kang nafifeel by 7weeks, di pa po galaw ni baby yan Sis kasi masyado pa pong maliit si baby, yung pulso mo po yun. yung isa sa pinakamalaking ugat sa katawan- abdominal aorta po yun.
Đọc thêm7 weeks is too early po mommy 😌😊 sobrang liit pa po ni baby, first pitik po naramdaman ko around 12-13weeks and 1st small kick ay 17weeks 🥰 currently 21 weeks po and mas malakas at madalas na po ang movements ni baby.
15 weeks and 2 days nako now, nararamdaman kona yung mahihina or maliliit na movement nya minsan pag hinahawakan ko tyan ko at pinakikiramdaman sya☺️☺️☺️
16 weeks jan ramdam mo na may buhay sa tiyan mo. around 20 weeks naman ung pagbulk ng tiyan. Pero depende parin sa pagbubuntis. iba iba e
sakin nga 20 weeks una kong nafeel yung pintig or hiccups ni baby. yung movementa nya 25 weeks.
Ung pintig siguro mag 2 months tapos nakaka ramdam nako ng pitik isang beses isang araw nung nag 12 weeks nako
22weeks po saken nun naramdaman ko si baby.. Anterior Placenta ko.. mas maaga nararamdaman pag Posterior Placenta
masyado pa pong maaga para maramdaman nyo si baby. ako po 1st time mom, 19 weeks na ako nung naramdaman ko sya