KASAL-KASALAN

Hello mga momshies. Hingi sana ako ng advice. Na-stress nako sa nangyayari eh. 32w3d preggo here. Medyo mahaba po ito pero sana basahin nyo hanggang dulo.. Anyway, ganito kasi un. Lately ko lng nalaman na wala pa lang balak magpakasal lip ko. All this time akala ko same kami ng gustong mangyari. Turns out na ako lang pala ang may gusto... He's my first bf. Siya ang una. So lahat ng "first" sa kanya ko naranasan. Noong bago pa lang kami at wala pang nangyayari samin (kasi may pinanghahawakan ako noon na marriage before sex), kinausap na siya ng mama ko. Tinanong siya kung anong balak nya sakin. Kung seryoso ba daw siya sakin. Tas ang sabi ni lip, seryoso daw siya. Since nasa tamang edad na kmi pareho (8 years pala gap namin btw), sabi nya, gusto nya ako na daw ang makasama nya dahil gusto na din nya bumuo ng pamilya. So sabi ng mama ko, magpakasal muna kami bago kami magsama. Willing pa tumulong si mama sa gastusin para di mahirapan si lip. Sagot ni lip, hindi daw ganon kadali un. Sabi nya gusto nya live in muna tapos anak then kasal. So ako, bilang sobrang mahal ko siya, pumayag ako sa gusto nya. Maski si mama walang nagawa sa desisyon ko. Sinuportahan nlng kming dalawa. After nun, nagsama na kami (sa side kmi ng mama ko tumira since wala naman makakasama si mama pag doon kmi sa side ni lip or if ever bumukod kmi dahil kmi lng naman ni mama magkasama sa buhay). After 1 year na pagsasama, nagdecide kami na magplanong magka baby na. Check up dito, check up doon. Until nabuntis na nga ako. Nung nalaman namin na buntis na ako, kinausap ulit ni mama si lip. Tinatanong kung kailan namin balak magpakasal. Kung ako ung tatanungin, gusto ko sana bago ako manganak, makasal na kami kahit civil lang. Ganon din gusto ng mama ko. Pero sabi ni lip, wala pa daw siyang budget. Again, willing ulit si mama tumulong sa gastusin. Pero ayaw ni lip. Katwiran nya, darating din daw kmi sa ganon. Tapos sa tuwing mag open ako kay lip about sa kasal since gusto ko din malaman kung ano ba talagang plano nya, either iiwas siya sa usapan or sasabihan ako na pinapangunahan ko siya.. Until last Nov, kinausap ulit kami ni mama about sa kasal. Due date ko Feb pero by end of Jan pde nako manganak. Sabi ni mama manganganak nako pero di pa rin kmi nagpapakasal. Humaba ung usapan nila. Hanggang sa mapagkasunduan nilang dalawa na hindi matatapos itong taon na to na hindi kmi magpapakasal. Hindi na rin sila nagkakasundo simula nung nabuntis ako. Hanggang sa nagkasakit si lip at nagdecide na dun mag stay sa knila para di daw kmi mahawa dito sa bahay. Ilang araw siyang di nakauwi sa bahay. Pagbalik nya last Dec 6, nag usap sila ni mama. Sabi ni lip, kukunin nya na daw ako. Tinanong siya ulit ni mama kung kailan kami magpapakasal dahil december na at patapos na ang taon. Sagot lng ni lip, darating din kmi dun. Tas sumama din ako kay lip. Dec 19, kinausap ko siya kung ano ba talagang plano nya. Kung pano magiging set up namin. Kasi ayaw nya na umuwi sa bahay dahil di sila nagkakasundo ni mama sa mga bagay bagay. Tinanong ko siya kung doon na ba talaga kmi sa side nila. Pano si mama mag isa lang siya sa bahay. Sabi nya, pwede nman daw ako dumalaw kay mama. Tas sabihan ko nlng siya kung kailan ako magpapasundo. Sagot ko naman, sa ngaun na hindi pa ako nanganganak, pwede ung gusto nya. Pero pag nanganak nako, hindi na applicable ung gusto nyang mangyari. Sabi ko, ayokong iwan si mama mag isa. Alam naman nyang simula't sapul, kami lang ni mama magkasama sa buhay. Wala rin source of income si mama kundi pautang lng. Tapos apat na tao lang ang pinapautang nya. 10% lng kita nya dun. Mga amount na inuutang sa kanya hindi tataas ng 5k. Rent lng din ang tinitirahan namin. Kaya sakin lng din umaasa si mama at alam nya lahat un. Tapos kukunin nya ako ng ganon ganon na lang. Ung tulong na inaalok sa kanya ni mama, ipon un mismo ni mama. Tinanong ko rin siya kung kailan kami magpapakasal. Kung may balak nga siya. Hindi nya ko masagot ng maayos. Iiwas siya at tinutulugan nya lng ako. Katwiran nya, ayaw nya daw pag usapan kasi na-stress lng daw ako, makakasama daw kay baby. Kaya sumama loob ko. Kaya sabi ko, bukas na bukas din uuwi ako (Dec 20). Sabi ko sa kanya, sumama ako sa kanya kahit alam kong maiiwan si mama mag isa kasi akala ko gagawin nya na kung ano ung dapat nyang ginawa noon pa. Pero wala. Lagi na lang akong nangangapa sa mga plano nya. Kung alam ko lng na anak lng pala ang gusto nya, sana di nlng ako pumayag. Binali ko ung prinsipyo ko para sa kanya. Ni hindi nya sinunod ung gusto ng magulang ko. Kami pa nag adjust sa kanya. Tapos ganito lng pala ang mangyayari.. Dec 20, umuwi nko samin. Ang alam lng ng magulang nya kaya ako umuwi dahil walang kasama si mama. Wala silang alam sa nangyayari. Kailan nya lang din sinabi kaya gusto na din ako makausap ng magulang nya.. Pagod na ko sa tratong binibigay sakin. Simula umpisa pa lang, di na asawa/partner ang turing sakin. Lahat nililihim nya sakin. Kailangan ko pa pakelaman cp nya para malaman ko kung anong nangyayari sa kanya sa araw araw (work/personal life related) kailangan ko pang mag like ng fb page para lng malaman kung sumahod na ba sila o nakatanggap na ba sila ng bonus. Binibili nya nga mga pangangailangan ko, pero di naman nya ko binibigyan ng pera kung sakali man na may gusto akong bilhin at wala pa siya. Pera nya, pera nya lang.. Sa ngaun, wala na akong work dahil nag resigned ako gawa ng maselan kong pagbubuntis. Pagod na ko. Hindi ko naman deserve to. Palagi na lang ako ung naghahabol. Hindi lng naman para sakin ung kasal na hinihingi ko. Gusto ko din protektahan ung anak ko at ayokong maranasan nya ung dinanas ko. Gusto kong ibigay sa kanya ung kumpletong pamilya na hindi ko naranasan. Pero sa nangyayari ngaun, hindi ko alam kung maibibigay ko pa un sa anak ko.. Sana mabigyan nyo ko ng advice. Salamat.

2 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Momsh huwag ka lang padadala sa problema mo ngayun ang isipin mo muna buntis ka baka makasama sayu iyang problema. mastrestress ka lang. Para sa akin momsh dun ka muna sa mama mo momsh kung talagang mahal ka nung lip mo babalik iyan sa iyo. Ang dapat mo gawin magpaka healthy ka malapit ka nang manganak go with the flow lang momsh.. kung problema mo naman financial mag negosyo ka momsh kahit maliit na tindahan para meron ka rin sariling income. kasi mahirap talaga walang sariling income momsh pero okay naman lip ko binibigay niya sahod sa akin ako nag bubudget sa gastusin ang mahirap lang kasi kulang.. huwag mo po iwan mama mo momsh nakakaawa po tsaka mama mo magiging katuwang mo sa pagbabantay nang bata pag nanganak ka. 😊

Đọc thêm

Ganyang ganyan din yung lip ko noon, kesyo di pa raw xa ready! Eto ngayon, nakahanap din ako ng lalaking tanggap ako at anak ko while yung lip ko, 3 kami ang binuntis ng hinayupak. Iwanan mo na yan habang di pa lumalabas si baby, ganyan ang mga lalaking walang pangarap sa buhay at walang plano sa pamilya. Sarili lang nyan ang iniisip nya, hindi magiging maganda ang buhay nyu ng anak mo sa kanya.

Đọc thêm