When to buy newborn essentials?
Hi mga momshies, ask lang sana ako what month kayo unti bumili ng mga newborn stuff?
Ako po the moment malaman ko na preggy ako, everytime na napunta kami sa mall, pabili bili kami paonti onti kaya di kami masyado nabigatan ni hubby, di namin napansin un gastos. Mahal din kasi new born essentials.
2 months, inuunti unti ko na, puro unisex naman kaya kahit unknown gender pa keri lang, crib at duyan lang ang ayaw ipabili ng papa ni baby, tsaka na daw yun 😉 the rest meron na pati essentials
Ako nag start bumili pa konti konti 5 months palang kada payday ko ngaun at 7 month tpos na ako lalabhan nalang. Goal ko dapat pagpasok 8 months ready na hospital bag ko.
7 months. Sakto nagsale sa sm nun. Pero ngayun 8 mos di pa namin kumpleto. Hirap kasi mamili ng isang bagsakan. Nakakaoverwhelm. Sakit pa sa balakang.
6 months nagstart na ako bumili online lalo kapag may sale. Malaking tipid din kasi. Tapos 3 weeks before edd yung iba pa para lakad-lakad na rin.
Sakin po nag start kami mamili nung nalaman na gender ni baby, 5 months. Tapos paunti unti nalang din, at least every month may mabili. 🙂
Nung 5 months going to 6 since alam na namin ung gender at magastos masyado kapag pinagsabay-sabay. Kaya pakonti-konti, bumibili kami.
Nagstart kami bumili mga 6 months na si baby. Paonti onti kami bumili para hindi mabigat pag labas ni baby yung gastos. Hehe
5 months ako ngstart nako,para hindi biglaan...medyo may kmahalan din po kasi gamit ng baby kaya kailangan unti untihin n..
ako as early as 5 months tummy ko nagstart na ako mag-ipon ng gamit!now 7 months and kumpleto na gamit ni baby..
Super Momma