Nung nag pa TVS ako or transvaginal scan lumabas na 7 weeks na si baby, may heartbeat na. Mas maganda po yun kesa sa usual na pelvic ultrasound kapag nasa early stage ka ng pregnancy para malaman kung ilang weeks na si baby mo, yung laki niya, yung heart rate and most importantly yung due date mo. Ngayon kase everytime na may prenatal check up ako mas sinusunod ng ob ko yung TVS result kase sa latest na pelvic ultrasound ko mas accurate daw po kase yun.
Need po talaga ang TVS/TAS (trans vaginal ultrasound/ trans abdominal ultrasound). During 1st trimester, usually once a month ginagawa. Para ma detect ang heart beat, para malaman ang nuchal rigidity- kung possible trisomy 21 ba. Mga basic na kelangan sa 1 to 3 mos na pregnancy. Pag dating naman ng 2nd trimester usually twice a month ang TVS/TAS. Then sa 3rd trimester.. usually once a week ang ultrasound. Depende yan sa issue/s mo while pregnant.
paultrasound ka. para makita kung ano lagay ni baby mo. if may heartbeat naba, anong lake, lagay ng sinapupunan mo. kase nung nag pacheck up ako kasama ultrasound may heartbeat na si baby kita ko na ung sac nya. tapos nalaman ko din na highrisk ako kase may buo pang dugo around sa paligid ni baby.
Tvs or Transvaginal Ultrasound, isang uri ng ultrasound kung saan idinadaan ang wand sa ari ng babae upang malaman ang lagay ng baby sa loob. Usually ginagawa ito pag early months palang ng pregnancy since hindi rin agad maririnig ang heartbeat ng baby pag yung normal ultrasound lang.
nag TVS din ako nung 7 weeks ako. kasi nag spotting ako. praise the Lord okay naman si Baby. at nadetect narin ang heartbeat nya that early. so at least kahit nagbleed ako, eh naagapan agad. 12 weeks nako this week and regular ultrasound nalang ako sa weekend
Vaginal ultrasound para macheck lagay ni baby and kung may heartbeat na, ako 14 weeks na , 1st time ultrasound kahapon lang, kala ko transv parin pero pelvic na raw pag ganun.
vaginal ultrasound. doon na detect ang heartbeat ni baby
ipapasok po ung rod sa inyo to check the baby
pra mkita po lagay ni baby mo
transvaginal po
Jona Dechi