SSS
Mga momshies ask ko lang po kung pano computation ng sss maternity? Di ko kasi alam, saka pano po ba yun quarter quarter, hindi ko magets (mahina sa math) ? Sa June 2019 po ang due date ko. Affected ba yung makukuha kong benefits kung mula May to June 2018 (last year) eh nakaligtaan hulugan ng employer ko yung sss ko? Upon checking kasi sa 5 years ko sa company, yung 3 months lang naman na yun ang nawawala. Tapos nung chineck ko yung 2019, updated naman siya mula January-March may hulog na. Pero kinakabahan ako dyan sa 2018 na yan na walang hulog. baka makaapekto sa benefits kong makukuha pag nagleave na ko.