Ang paa ni baby
Hi mga momshie , panganay ko po ito. 1 yr and 6 months napo sya pero hindi parin naglalakad dahil nga po sa paa nya hindi po nya maiflat ng buo ang paa nya from toe hanggang bukong po nya kapag nakatayo po sya , kapag inuunat po namin ang binti nya at ibaba namin buong paa nya napapatuwad po sya , di po kaya sa may bandang likod nya po ang problema na dapat po hilot hilutin? kasi naibababa naman nya ang paa nya kapag nakatupi ang tuhod nya pero kapag tatayo napo sya nakatingkayad napo sya. Palagi ko naman po hinihilot at hindi po kasi sya nagwalker. Kawawa naman po kasi baby ko gusto na maglakad at tumayo ng maayos na nakababa ang paa nya. Ano po dapat gawin ko? Since baby sya diko po nahilot hilot paa nya.