2 Các câu trả lời

Ako rin mamsh sobrang hina ng gatas ko, nung nag out na kami ng ospital paguwe nmin sa bahay nakatulog baby ko then paggising nya pinadede ko sya tapos umiiyak sya then dede ulet sakin tapos iyak ulet hanggang ayaw na nya dumede. Tapos iyak lang sya ng iyak as in ang tigas na ng pag iyak nya, nagaalala na kami ng mother ko lase 8hrs na sya umiiyak umiidlip lang sya siguro sa pagod ng pag iyak nya tapos gigising iiyak ulet hanggang gabi na. Naisip namin na baka walang nakukuhang gatas sakin kaya ganun umiiyak sya baka gutom na gutom na. Ang ginawa ng mother ko punta sya sa botika at bumili ng s26 one gold then nagtimpla agad paguwe nya. Tapos pinadede namin si baby ayun gutom na gutom sya awang awa ako sa baby ko kase umaga pa lang umiiyak na sya hanggang 11pm. Kundi pa bumili ng gatas ang mother ko d pa titigil ang baby ko. After nya dumede nakatulog na sya ng tuloy tuloy. Hanggang ngayon 1yr and 12 days na baby ko mix feeding sya kase sobrang konte tlga ng nakukuha nyang gatas sakin kht araw arawin ko na kumain ng malunggay at uminom ng madaming tubig at mga sabaw. Parang d nga ako naniniwala sa malunggay, kaya tinutulungan ko na lng ng gatas ang baby ko.

Hello ma, as much as possible avoid mo muna magpump. hayaan mo muna mag latch lang si baby sayo kase kahit anung supplements inumin natin and water nakadepende padin sa paglatch ni lo. Mas okay kase ang suck ni lo kesa pumping plus makakatulong siya sa inverted nipples mo. Check mo breastfeeding pinays ma sa fb, madami sila info's that might help.🥰

Thank you po 😊

Câu hỏi phổ biến