gutumin ba talaga?
Mga momshie pag ba pregnant, matindi at maya't maya talaga ang gutom kahit na first trimester palang? Kasi ako ganun. Di ko maintindihan, yung gutom ko parang ang tindi ng sakit ng tyan ko. Mainit na parang gutom na gutom. Pero pagkumakain na mabilis naman mabusog. Ganun din ba kau?
Gnyan dn po aq Pmya2 gutom mbilis dn mbusog pg kmaen.. Kya gngwa q kmkaen ng pkonti2 Pro Pmya2 ang kaen q s twing ngu2tom aq pra lng maibsan ung gutom ko😅khit n ung mga unang buwan cnusuka q kmkaen prn aq khit Skyflakes lng pra lng my lman ung tyan q.. Ngyong ppxok nq s 2nd tri bmlik n ung gana q at mdalang n mdalang n aq smuka.. Pro taggutom p rn😅
Đọc thêmYes ganyan din po ako kahit from 1st kahit ngaun 2 trimester na. Kaya dapat kahit biscuit may nakatabi ka. Pag dinalaw ako ng gutom kala mo di pinakain ng 1 linggo kahit kakakain lang🤣Yung sakit parang dinudukot yung bituka ko. Tapos dapat makakain agad ako, kasi kung hindi inaaway ko na hubby ko, feeling ko napabayaan na ako😂
Đọc thêmNatural lang po yan. More on fruits, veggies ka nalang tsaka biscuits. Madali ka namang mabubusog niyan. Buti nga sayo yan lang. Ako nga parang sinusunog tyan ko pag nagugutom pero pag anjan ayaw nang kainin kasi nasusuka na sa amoy ng pag kain kaya nag frutis, veggies and biscuits nalang ako. Effective naman
Đọc thêmMabilis ako mabusog nung first trimester ko. ‘Yung feeling na panga ko na yung umaayaw sa kakain kahit konti lang kinain ko, minsan pinipilit ko pa kumain kaso parang bumabalik yung food sa throat ko. Tsaka sobrang uncomfortable ng dibdib ko, ‘yun pala heartburn. 😂
Oo momsh. Baka umabot pa nga yang ganyang feeling til third trimester. 35 weeks na ko gutumin pa rin ako. Tumataas kasi ang demand ni baby for nutrients sa loob ng tiyan kasi lumalaki sya kaya madalas nagugutom ang buntis.
Malimit din sumakit ang tyan ko, tapos acidic pa ako ang hirap kahit gutom na ako hindi ako makakain ng maayos. Wala akong gana at wala akong maisip na kainin. Sino ditong acidic din anong mainam na gawin? Pashare naman
iba iba kc yan sa experience ko first tri ko wala ko lagi gana kumain parang busog n busog ako kht nang hihina ako pero nung nag 2nd tri at naun 3rd tri mayat maya talaga kumakain ako at lakas ko pa mag kanin.
Ganyan din ako sis lagi gutom,n busog din agad.Need kumain agad kasi sumasakit tyan ko sobra tas nagrradiate pa hanggang balakang. Pag nakakain naman ,relieved na.8 weeks pregnant na po ryt now.
Yes! That was so me too! 😅 But remember to eat healthy pa din.. Small frequent meals nga and includes food items with higher satiety effect like food with high fiber content din 😉
Oo ako nga nung first trimester umiiyak minsan kasi gusto ko na matulog pero nagugutom ako wala ko choice kundi bumangon at kumain habang antok na antok hahahaha