madilaw na baby

Mga momshie meron po ba dito na may same case?? Madilaw na baby tapus ng pinatsek sa pedia sabi possible daw na mi sakit sa atay si baby.. Nid daw ibiopsy..

31 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Nung pinanganak ko si baby ko hindi naman sya madilaw after 2 days dumilaw sya. Ang ginawa po sa kanya pinaarawan sa umaga tapos blue light. 1 and 1/2 day sya naka blue light. Chineck sa kanya lahat. Dugo, ihi. Lumabas na may uti si baby nakuha sa akin nun buntis ako nun. Kaya nag antibiotic sya for 2weeks. Thanks God wala pang 2weeks ok na sya.maigi pong magpa second opinion kayo..tapos pa check nyo.lahat kay baby. Dugo, ihi

Đọc thêm

Ganyan din baby ko Nasa ospital palang kami 2days after nagkasinat baby ko . Napansin ng pedia na madilaw si baby . So pina Cbc namin at naging result is may infection si baby sa dugo. Kaya na admit si baby ng 3days para injection ng antibiotic.. Tas paguwi nmin lagi ko lang sya pinapadede sakin tas pinapaarawan sa umaga . Hndi na masyado madilaw si baby .

Đọc thêm

May na experience ako kasama namin sa ward ganiyan din baby niya. May sakit din daw sa atay sabi ng doctor hanggang sa na operahan yung baby wala naman palang problema sa atay. Kawawa lang yung baby naoperahan pa. Tuloy mo lang paarawan mamsh pero makinig padin sa pedia. God bless your baby sana madala sa paaraw.

Đọc thêm

Hmm, Ganyan po cause ng Baby ng kapitbahay namen. Naninilaw. Tas nung pinacheck sa Pedia paarawan lang. Look niyo din eyes ni Baby pag naninilaw din . Yun pala may sakit po sya sa Liver. 😢😢 Kaya kelangan mag Liver Transplant.

Thành viên VIP

May kasabay po ako sa hosptl.dilaw dn bb nya kht pina ilawan na. Pwdi dn daw po sa bloodtype nyo n mster nd compatable type O Yata c ate gurl b+ c mr d q sure . Doon dn daw na kukuha yun pagka dilaw n bb

Ganyan ang baby ko momshie. Sabi ng pedia ko natural lng daw na madilaw si baby kase nag breastfeed po siya. And lagi lng daw paarawan tuwing 6:30 ng umaga. 30 mins sa front 30 mins sa back.

Ako po 1month ng madilaw si baby pinacheck ko sa pedia-gastroenterologist, pinaultrasound sya thanks God negative naman.. Paarawan lang po talaga si baby everyday.

Thành viên VIP

Pa 2nd opinion ka muna sis sakit agad sa atay? Biopsy kagad ang sabi? Wala munang mga bloodtest o ibang diagnostic exam? Ilang months na ba baby mo sis?

Ganyang din baby ko pag kalabas niya. Pina arawan lng namin at breastfeed nawala ng paninilaw niya. 2 months na sya ngayon healthy naman si baby.

Normally nangyayari yan kapag di kayo same ng bloodtype ni hubby mo. Jaundice tawag jan. Need i admit ni baby kasi need nya ng blue light.