Putol putol na tulog ni Baby
Mga momshie hingi lang ako tips and advise kasi yung baby ko 2 days na syang hirap makabuo ng derechong tulog.. Yung tipong 1 hour mo na sya hinehele at pinadede.. Tapos paglapag sa crib after 10 or 15 mins lang nagigising na ulit iyak ng iyak. Hindi ko kasi sinaswaddle si baby sinubukan ko yun dati pero ayaw nya naiinitan sobrang pawisin sya. Pag pinawisan nagkakarashes. Sinubukan ko na din na nasa aircon room kami nagigising pa din at iyak ng iyak. Di naman dahil sa diaper kasi lagi naman chinecheck kung puno na diaper.. Magti 3 month na baby ko. Ang hirap kasi di ako makakilos pag lagi sya nagigising. Minsan kahit nasi CR ako di ko magawa kasi iyak ng iyak pag gising sya. Baka meron po kayo maisuggest na effective gawin.. Thanks in advance po. #advicepls #theasianparentph