breast milk
Mga momshie ask ko lang po, kasi premature ko naipanganak si baby 28 weeks lang nasa NICU sya & hindi sya napa breastfed sa'kin. Sinubukan ko mag manual pump sa una kaunti lang milk na nailalabas ko then nagkalagnat ako for 1 week and may times na hindi ako nag pump. After that 1 week sinubukan ko ulit mag pump drops na lang lumalabas sa left breast ko and sa right breast ko wala na. 1month pa lang po ngayon baby ko. Babalik pa po ba breast milk ko kahit na umiinom ako ng megamalungay? Mapapa increase ko pa po ba breast milk ko?