Multivitamins + Iron
Mga momshie... Ano po ba dapat kung gawin? kasi palagi ko sinusuka yung multivitamins + iron na nerisita sa akin ni Ob :-( Ginawa kuna siyang inumin before kumain or after kumain..pero sinusuka ko talaga ..Ayaw ko naman siya e skip dahil para kay baby at sa akin naman yun :'( Ano po ba magandang gawin mga momshie?...
try niyo po kumain nung food na pinaglilihian niyo after uminom ng gamot. yun nagwork sakin po dati hahaha kala laging may nakasalpak na orange sa bibig ko.
I highy suggest inumin niyo before kumain at gabi dapat and after mo kumain upo ka lang or tayo mamsh wag ka po mahiga
Yung Akin Hemarate FA. Super Liit na tablet lang
Ask ka ng tablets instead of capsule nakakasuka minsan pag my lasa ung capsule 😂😂
Tama..Capsule yung sa akin momsh.. Pag nag burp ako at umusbong na yung lasang kalawang.. dun na talaga akong mag simula na mag suka..Salamat momshie..Sabihan ko nalang si Ob na palitan :-)
I-consult nyo po sa ob nyo. Ganyan din po ako noon. Pinalitan po nya vitamins ko.
Salamat momsh :-) , sabihin ko kay ob pag balik ko.. 1 month pa kasi ako pababalikin kaya nag titiis ako.. :-)
Pede po palitan kung d ka hiyang sis
okay sis..sabihin ko nalang kay OB, sa Sept. 16 pa ang balik ko sa kanya ang layu pa :'( , tinitiis ko talaga kahit sinusuka ko, sayang lang yung gamot..thus ayaw ko naman palitan pag hindi si ob ng recommend.. Salamat momshiee :-)
tell ur OB.. papalitan nya yan
Okay momshiee , sabihin ko sa kanya :-) Salamat.. Sa Sept. 16 pa ako makabalik sa kanya.. Kaya tiis muna :-(
Tell your OB para mapalitan.
Okay momsh.. :-) Sa Sept. 16 pa ang balik ko sa Ob ko.. 1 month ang balik ko sa kanya (Public hospital OB) kaya tiis muna ako kahit sinusuka ko talaga :-( Samalat momshiee :-)
Papalitan niyo po sa ob
Okay po momsh sabihin ko sa kanya :-) Sa Sept. 16 pa balik ko sa kanya..kaya nag titiis muna.. Salamat :-)
ano po ba brand mo sis?? try hemarate wala nman lasa... mejo pricey lng po.
Salamat mga momshie :-) Cge try ko ung mga suggestion nyo kasi hindi pwede pag palagi ko nalang sinusuka yung gamot..dapat may gawin ako..para naman sa ika bubuti naman namin ni baby yun.. Salamat ng marami :-)
Pwede ka pareseta ng iba na mahihiyang mo mommy.. or pde sa kalagitnaan ng kain mo.sya inumin for the meantime..
Not true mommy.. maabsorb parin un kaht in between meals mo kainin..
Certified Mom!