sign of labor
mga momshie ano ano po ba sign pag manganganak ka na ?. 38weeks na po ako bukas . edd ko po this nov. 27
Me 40weeks+4days nung lumabas c baby.. nov 7 umaga nag start sumakit puson ko, pero nwawala nman tpos my nalabas na mucus plug (brownish red na parang sipon) pero kalma pa ko kase lam ko signed na yon na malapit na ko manganak..then hbang natagal nasakit prin puson ko kasama na balakang pero kaya pang dedmahin tpos nadami na mucus plug, so pumunta ako sa ob ko nov 7 prin para i check kung ilang cm ako.. ie ako 3cm pa lng,excited pero dedma lang ako sa sakit kaya pang tiisin umuwi ako ng bahay tamang lakad ako mga 1hr kain pinya, hingang malalim pag nasakit.ayon nung gabi na ng nov 7 ndi na ko maka tulog, galaw c baby sa tummy tpos my 5mins interval nA.. magli likot c baby ng 5mins after non sasakit ng sobra ng 1minute lang..tpos 5mins ulit pahinga ndi sya sasakit then 1minute hihilab, para kang natatae.. nov 8 9am nag punta ako ky ob 7cm na pla ako kaya halos ndi na ko makalakad sa sakit ng puson at balakang ko, pinutok na panubigan ko ni ob then 9:19am nov 8 nanganak na poh ako... hehehe
Đọc thêmI'm 38 weeks and 4 days. Check up ko kanina. Sarado pa daw cervix ko. Pero medyo dinugo ako. Sabi ng nurse normal ang may konting blood after ng ie. Brownish naman yung blood, hindi pinkish or red kaya I'm not worried. Pero sobrang sakit lang talaga ng balakang ko. Pag nakahiga ako, sobrang hirap tumayo. Nagco-contract ang tyan ko pero di naman sumasakit yung puson ko like yung na-experience ko dati sa ibang kids ko. Naka-sched din ako for cs on November 21.
Đọc thêmYunh pain nya para ka nagLBM, yun nga lang pati balakang mejo masakit.. Nagccontract na po yun pag ganun. Bilangan mo lang ung interval ng contraction, if palapit sya nga palapit yung interval then sign na po yun na naglalabor ka. Other than that, may lalabas din na fluid na akala mo umiihi ka pero pag derederecho at di mapigilan panubigan na po yun.
Đọc thêmMinsan nman walang sign. Ung para bang bglang skt nlng ng tiyan tas sabay putok ng panubigan. Ganyan aq sa first born q. As in nagkilos kilos pa aq sa bhay nagluto tas bigla hilab ng tiyan diretso na hanggang pumutok panubigan q. Un labas agad c baby. Wag mong icpin mga sign mastress ka lng kakaicp. Pray k lng na mkaraos kna mommy.
Đọc thêmPag maglabor kna wag ka nerbyosin focus lng sa pag iri. Every morning lakad lakad ka para mas mpadali labor mo. Gud luck mommy at sa baby mo. 🙂🙏
Ako nung nanganak ako sa bunso ko sumakit muna tiyan ko patigil tigil tas yung feeling na natatae😂tas nung sobrang sakit na tinakbo nko sa center sinakay ako sa trike dun pumutok panubigan ko pagdating sa center mabilis lumabas c baby😁
Kaya yan😊
Same tayo sis 38weeks bukas. Ihi lang ako ng ihi then minsan parang biglang may tumutusok sa pem ko then may time na sumasakit na din balakang at puson ko pero nawawala. Wala din ako discharge
Same lang din tayo sis kahit nung mag 37 weeks palang ako. Still ganto padin nararamdaman ko ngayong 38weeks nako. Pero parang may naadd. Parang feeling ko may lumalabas sa pem ko, like discharge pero pag iihi ako at titingnan ko wala naman
Masakit ang balakang at puson tapos ang pagsakit nya is every 2mins. Sa experience ko, ndi ako makaupo ng maayos sa sakit kasi para akong natatae😅
Ako nga sis 38 weeks and 4 days na pero no sign of labor pa din pero nag lalakad nako at nag pipinya sana pag balik ko sa OB ko open na cervix.
Sabi din kasi nila pag first baby daw matagal lumabas
ako sobrang sakit ng puson ko nun dko alam naglalabor nampala ako hehe..nung may lumabas na dugo saka lang ako nagpasugod sa ospital
wala pa po kasi ako nararamdaman sa pem ko pero minsan sumasakit tiyan ko at ung likod di nawawala sakit ung prang ngawit lagi.
Domestic diva of 2 naughty daughter