Hi mga Momsh😊
First time mom. 14 weeks and 4 days preggy. Ask ko lang, normal ba na may pagka demanding ang buntis? In the sense na--- Una, malayo kasi kami sa both parents namin, talagang 2 lang kami.
Demanding dahil gusto ko lagi siyang nakaantabay, at nakaalalay. Gusto ko lagi kaming (referring sa akin and kay baby na nasa tummy) kinukumusta at inaalala lalo na pag nasa kanya-kanyang work kami at pinapaalalahanan ng mga bagay na nalilimutan kong gawin at mga dapat gawin lalo na kung para sa amin both ni baby. Gusto ko ung concern nya sa amin lalo na kay baby lagi ko nararamdaman kahit sa maliliit na bagay.
-Pasensya na sa tanong, minsan lang tlga napapaisip ako na hirap din ng malayo sa magulang kasi iba talaga ung pag aalaga nila, kaya naiiyak nalang din talaga ako minsan lalo na pag pkiramdm ko, di kami nconsider ng asawa ko.
Salamat po.