Be extra careful
Hello mga momsh, just wanted to share to you my experience. Yesterday habang nglalakad lakad ako sa conpoung ng bahay namin nakita ko ung house pet na aso ng uncle namin. May leash sya and mabait naman un, nagkataon lng kahapon di ko alam dahil nawiwili akon dati pa na harutin or laruin ung aso naupo ako mju malapit sa kanya. Pagkaupo ko pa lng bigla akong sinunggaban buti at nakatayo aq agad pro di naiwasan n naabot niya tiyan ko at nakagat niya. Buti hindi sa mukha. 😔 Yung kagat niya is hindi malalim, hndi din dumugo at mas lalong hndi din nasugatan pro namantal ung part ng kagat ng ngipin ng aso. WHAT TO DO? 1. Hugasan ito ng maigi, gamit ang sabon at tubig 2. Huwag niyo na po itry paduguin, lalo na kung wala naman sugat. 3. Magpabakuna po agad ng Anti Rabies. 4. Pumunta sa pinakamalapit na Animal bite center sainyo. Libre po ang bakuna, not unless po ay magpprivate ckinic kayo for the vaccine. 5. Obserbahan pa rin ang aso sa loob ng 14 araw Tanong: SAFE PO BA ANG ANTI RABIES SA BUNTIS? yes po, safe na safe. PAYO: Be extra careful kahit pa sariling aso o pusa niyo yan, nsa loob ng bahay at bakunado.. mas okay pa din nga mamsh na pasiguro tayong mkapagpabakuna lalo at buntis tayo. 😊❤ Sa case ko po Category 2 sya pero ngpainject p rin po aq. If in case, di pa po kayo nkakapainject ng Tetanus toxoid or ung Tetanus-Diphtheria vaccine sa mga health center n malapit sa inyo or sa ob nyo.. need niyo po mgpainject ng Tt kasabay ng Antirabies vaccine. Sa akin po, since nakadalawang dose na ako ng Td vacvine during my prental visit di n po aq binigyan kanina. 😊❤ Again, ingat po tayo lagi! God bless mga Mamsh.#1stimemom #firstbaby #pregnancy #pregnancyhealthtips