PAMPAKAPIT

Hello mga momsh. Since 9weeks ako uminom nako pampakapit kasi may subchorionic bleed sa loob base sa Trans V. Tapos nananakit tiyan ko. Binigyan ako pampakapit ng Ob 2x a day for 2weeks na Isoxilan. Tapos nun omokey naman na. Wala pa 1month nakakalipas nananakit nanaman sa may bandang puson ko abot hanggang balakang yung sakit. Yung tipong di ako makagalaw kasi mas lalo sya sumasakit kapag gumalaw ako ng kahit konti lang. Tapos kada tayo ko para umihi tumitigas sya mga ilang minutes, lagi ganun. Halos mayat maya. Kaya binigyan ako ulit Isoxilan 2x a day good for 5days. After nun okay nanaman. Tapos weeks lang naubos yung pampakapit ko sumasakit nanaman kaya nung last checkup ko November 15 binigyan ulit ko Isoxilan ng Ob ko 2x a day for 5days ulit. Okay nanaman, hindi nanaman nasakit. Tapos eto ngayon 2days na sumasakit at naninigas nanaman sya. ? Nakaka iyak yung sakit nya. Parang may malalaglag at mapuputol na ewan sa may bandang puson ko at balakang. Hindi naman nako nagkikilos kasi simula 9weeks pinag bedrest na ako. Wala na ako ginagawa sa bahay as in. Minsanan lang tumayo at maghugas ng plato. Si Hubby na lahat pati paglalaba. Paghain ng pagkain sakin kahit pagod galing work sya lahat. Nagpunta ako kanina sa Ob sabi sa Monday inject na daw gagawin na pampakapit, 2x a day na inject. Sino po sainyo same situation sakin? Kakapit kaya si Baby hanggang mag 40weeks sya :( BTW. 20weeks and 4days na po ako ngayon. Thankyou momshies ? First Baby ko po 4yrs old na this December. Painless ako nung first delivery ko.

1 Trả lời
 profile icon
Viết phản hồi
Thành viên VIP

👆👆👆