Post partum hair loss
Mga momsh, may paraan ba para mabawasan pag lalagas ng buhok ko? Mag 4 mons na si baby ko ngayong July 23, kada suklay ko ganyan kadami nalalagas, nag kalat na buhok ko sa buong bahay ??
Mga mamsh sorry pero tawang tawa ako while reading some comments! Kasi relate na relate ako! Simula nag 3months si baby grabe po ang paglalagas ng buhok ko! As in grabe tipong pag nagwawalis ako mas marami pa buhok kesa sa alilabok, halos ayoko ndin maligo kasi pag nagbabanlaw na ko ng buhok halos kalahati yata ng buhok ko sumasama sa tubig. Una sobrang worried tlga ako, sobra akong na-stress! pero ngayon nalaman ko siguro naglalagas ang buhok mga 3-4months si baby. Sana mapalitan lahat ng mga buhok na nalagas satin mga mamsh 😅
Đọc thêmNormal lang po sa nanganak yan sis, ganyan ako sa first baby ko hanggang sa 2nd baby.. every gising ko ang dami sa higaan. sa 3rd baby ko hindi nag lagas buhok ko, kasi 3 months before ako manganak organic shampoo na ginagamit ko, kahit after ko maligo hindi naman nag lagas buhok ko. Effective nga siguro yung organic shampoo
Đọc thêmParehas po tayo nung pagkapanganak ko wala akong hairfall akala ko isa ako sa mga pinagpala pero nung nag 4 months din baby ko ayun na naglagas na buhok ko, ending pinagupitan ko nalang ng maiksi. Every other day na lang ako nag shampoo, conditioner na lang kung hindi naman ganun kadumi yung buhok.
Ako po.. Pinapahiran ng asawa ko ng Aloe Vera ung noo ko bago maligo, hayaan lng sya nakababad.. Medyo kumakapal na ngayon, dapat matiyaga ka lng kung gusto mo kumapal uli buhok mo. Tiis nga lng medyo amoy anghit
Ano kaya cause nyan? Normally ako naghaihairfall before pregnancy. Pansin ko naman ngayong pregnant ako, wala akong hairfall. Iniisip ko dahik sa paginom ng iron. Pero di rin ako sure.
ganyan din ako sis simula nag 3mos si baby. pero thankfully nagssubside na siya eventually ngayong 5mos na baby ko pero madami pa din yung lagas kumpara sa usual lang na hairfall.
Ako din super lagas ng buhok nung first trimester. Then nag shift ako sa baby shampoo hehe tapos di ko na sinusuklay yung hair ko ng basa pa. 😂kahit papasok pa ko sa work heheh
Cge po try ko po yan. Tnx😊
They say that's normal, and its because of the hormonal changes in our body mumsh. 🤦♀️🙄 Wag daw muna magshampoo everyday, pwede siguro every other day.
Try using mild/anti harifall shampoo and conditioner. Pantene nakatulong naman makabawas ng hairfall. Used wide tooth comb din pangsuklay.
Ako din lagi lagi na huhulog Ang buhok ko naiinis na nga ako kasi kumakalat sa bahay ma's madami pa Ang buhok ko kisa sa dumi nag bahay
Supermommy of a lovely and brave girly baby