Bonding Time With Kumares

Hello mga momsh! Palabas po ng sama ng loob. Maliit lang naman po ito na bagay pero nakakasama pa rin po ng loob. Ganito po kasi yun. May mga kaibigan ako nung highschool na nagyaya mag bonding time kami together pero gusto nila sa bahay namin tapos dito na din magluluto. Parang napag desisyunan nila agad na dito na sa bahay namin bago pa sabihin sakin. Ako naman po, hindi pumayag agad. Sabi ko sa kanila tatanungin ko muna asawa ko kung okay sa kanya kasi pang gabi sa trabaho asawa ko, so kung matutuloy dito sa bahay namin, oras ng tulog ng asawa ko. Nag suggest po ako sa kanila na baka pwede sa ibang lugar lang na malapit, ung pabor samin lahat yung place kasi di naman na po ako pwede bumiyahe pa ng malayo dahil binawal ni ob kasi kasi kabuwanan ko na next month at ilang beses na rin po ako naisugod sa ER due to preterm labor. Nag suggest din po ako ng ibang dates na pupwede dito sa bahay namin para may pahinga na maayos ung asawa ko kung ipipilit talaga nila dito samin. Ngayon po, ang gusto nila ay bukas na agad which is hindi po pwede dito sa bahay. Nagbigay naman po sila ng option na dun kami sa bahay ng isa namin kumare na preggy din kaso napakalayo po sakin ng lugar. Ipinagpaalam ko naman po sa asawa ko kasi gusto ko rin sila maka bonding at okay naman sa kanya pero di po siya payag na sumama ako kung doon sa bahay nung isa namin kumare kasi nga po malayo at hindi rin siya makakasama kasi oras po ng tulog nya ung mga time na gusto nila mag bonding kami. In-explain ko naman po sa kanila na hanggang sa malapit lang ako pwede dahil nga po sa sitwasyon ko at ayoko rin i-risk si baby para lang sa bonding at ung side nung asawa ko kung bakit hindi pwede dito sa bahay namin agad agad. Parang nainis po yung isa kong kumare kasi bakit daw ganun? Bakit di daw pwede dito samin? Kasi may pasok na daw siya sa mga dates na pwede dito sa bahay namin tapos sabi niya kung kaharap niya daw asawa ko, masasabihan niya. Pati po yung reason ko na hindi na ko pwede bumiyahe pa ng malalayo kasi advise ni ob na-kuwestiyon niya kung totoo daw ba talaga na nag preterm ako before o ayaw lang daw ng asawa ko. Kayo po mga mommy, ano mafi-feel nyo pag may ganun kayong kumare? Feeling ko kasi pinipilit niya ko sa hindi naman pupwede. Ayoko naman po na kami ng asawa ko mag-away para lang mabigay yung gusto nilang bonding time. Sorry po napahaba.

1 Trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

mamsh dapat nauunawaan nila sitwasyon u kz kaibigan u cla..pero natanong u ba hubby u kng pwede dyan sa inyo?kasi bka ok lng ky hubby u pero ngdecide kna agad na ndi alam ni hubby.wag u po ipilit kng ndi pwede bka kng mapano pa c baby..

5y trước

Hi momsh. Alam naman po ni hubby. Sa kanya ko rin kinonsulta kung kelan pupwede dito sa bahay namin. Ang kaso ayaw po nila nung mga araw na pupwede. Ang gusto po nila bumiyahe na lang din ako kasi bakit daw po yung isa namin kumare, nakakabiyahe pa tapos ako hindi daw pwede? In-explain ko naman sa kanila na binawalan na ko ni OB kaso pati po yung reason ko kinukuwestiyon nila. 😭😭