DAMING LUNGAD NI BABY SA GATAS NYA

Mga momsh, normal lang po ba yung sobrang pag lungad ni baby sa gatas nya, bonna po 3mos si baby, after nya po kasi dumede nilalabas nya lng po lahat ng nadede nya, nag aalala na po ako, hindi po ba sya hiyang sa milk nya pag ganun? Any advice naman po anu gagawin, basahin ko po lahat ng advices and suggestion nyo po. first time mom here! Thank you☺️

2 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi
Influencer của TAP

yung purely breastfed baby ko nung 3 months din lungad ng lungad pero tumataba naman. projectile vomit pa yung kanya hindi basta lungad. nastrestress ako kakaworry pero lagi namn sinasabi ng pedia ko na normal lang eto 3 years old na baby ko healthy and matakaw. :) just keep updatiny your pedia din for your peace of mind

Đọc thêm

Normal naman po yan lalo na pag overfed na po siya. Tuwing after po dumede, mga ilang mins, pa-burp-in niyo po para di lumungad. Or in between po ng pagdede. Like 2 po ang timpla, pag naka 1 na siya ng naiinom, pa-burp-in niyo muna tapos dede ulit. Pag di po kasi hiyang sa milk, mostly sa poop po ng baby makikita.

Đọc thêm