Panay ang ihi

Mga momsh, normal lang po ba ang panay ang ihi? Yung tipong halos kakaihi mo lang naiihi kna naman? Isang beses naranasan ko pa inabot ako ng 30mins sa banyo dahil lang sa pag ihi ko. Unang patak ng ihi ko tuluy-tuloy at medyo matagal pero hindi pa din ako natayo kasi ramdam kong naiihi pa ko so kada buwelo ko o paghinga ko ng malalim may lumalabas pang ihi na paunti-unti, kumbaga parang naging putul-putol na po yung pag-ihi ko na para bang wala ng katapusan. Heeeeelp! Ako lang po ba nakaranas non? May ginawa po ba kayong iba? Or normal na po talaga yon?? 34weeks pregnant na po ako. Thanks po. #1stPregnancy

2 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Mag pa check up po kayo sa OB para makapag pa BPS kayo, kasi may mga cases na naglleak na pala ang panubigan niyo. Pag Low amniotic fluid na kasi automatic ECS yon. Kailangan ma check po. Sa palagiang pag ihi nman, e normal po un sa buntis. Pero pag tuloy tuloy ang ihi mo, baka ung bag of water mo na yan.

Đọc thêm
Thành viên VIP

Hala. Pinacheck up nyo na po yan? Baka panubigan na po yan kung inabot ka ng 30minutes.

4y trước

Ganon po ako lagi umihi, matagal. Sadyang that night inabot lang po talaga ko ng 30mins. Oct pa po due ko