Issue with Mother-In-Law
Hello mga momsh, need your opinion on this kung tama po ba ako or maybe gusto ko lang magvent out dito. 1. Electric Fan Me and my husband are living together with my mother in law temporarily hanggang sa magheal yung sugat ko since 1 month palang after my CS operation. 1 week palang po namin kasama yung mother in law ko lagi na nya sinasabi na patayin palagi yung electric fan kasi malamig sa baby ko. For me alam ko pinagpapawisan ang baby ko kaya kailangan nya ng electric fan. FYI po pala, nasanay ko na si baby sa aircon for 2 weeks. Then nung 3rd week nya na diagnose sya ng neonatal pneumonia due to my uti nung pinagbubuntis ko sya. Kaya OA po ako pagdating din sa pawis nya kasi bawal sya matuyuan. Tonight nakaon ulit yung electric fan and si baby aburido. I know dahil lang sya sa kabag kaya pinahidan ko na sya ng tummy time ng tiny buds. Nung nakita ng mother in law ko na aburido si baby pinatay nya electric fan kasi nga malamig daw. So hinayaan ko nalang until mapansin ko medyo nagpapawis na si baby pinapaon ko na sa asawa ko then sabi ko nagpapawis na si baby. Ang sabi ng mother in law ko hayaan lang daw magpawis para malabas dw nya init nya like mali ba ako na iniisip ko baka matuyuan sya ng pawis? Ok sana kung pinapaarawan sa umaga eh gabi na. 2. Cats Normal lang diba po sa baby na parang may plema na tunog si baby pagka milk lalo pag di pa napapaburp. Whenever may ganung tunog si baby lagi sinasabi ng MIL ko na baka dahil may pusa raw ako kaya rin daw nagka pneumonia. Sometimes sasabihin nya baka napaglihian ko sa pusa kaya tumutunog. Honestly umiinit na po ulo ko kapag paulit ulit ganun sinasabi nila kahit ilang beses ko pa sabihin cause ng pneumonia nya. 3. Loud Talks Malakas po boses ni MIL kaya madalas pag kinakausap nya si baby parang pasigaw na unlike ako na mahina and malambing lang. Lagi nya sinasabi na kausapin ko raw ng malakas si baby para maging madaldal maging matalino raw na for me hindi naman yun necessary. I'm not sure if I need advice or what but I wanted to share lang po if meron po sa inyo nakakaexperience ng ganito. #pleasehelp #advicepls #firsttimemom #firstmom