BINAT!
Mga momsh need help ?please enlighten me.. sa totoo lang sumasakit ang ulo ko kakaisip.. I gave birth last august 18, normal delivery po,. Advice sa hospital maligo daw xempre nga naman chinicheck up pa din habang nasa ospital IE ganun.. Syempre wala naman hotwater sa ospital kaya nagpunas punas lang ako after 3 days pag uwi sa bahay naligo na po ako nagpainit na ako ng tubig kasi nasa bahay naman na ako.. Siguro mga 3 days ako nagpapa init ng tubig tas okay na ako sa normal water na pinapanligo ko.. Tsaka nakakalakad at nakakagalaw ako ng normal ang masakit lang talaga ung tahi ko pero kaya ko naman ung gawain naasikaso ko naman si Lo, sa mga nakakakita po sa akin dami nagsasabi lakas daw ng loob ko maglalabas at mamalengke e kapapanganak ko pa lang sa totoo lang po wala ako narramdaman ung tahi ko lang talaga.. Sabi ni nila ang binat daw sobramg sakit ng ulo na parang binibiyak ang nrramdaman ko lang po sakit ng ulo sa may sintido kapag napupuyat ako binabawi ko naman pag tulog na din si baby sinasabayan ko ng tulog pero pag madaling araw ung gigising every 2-3 hours para magdede un masakit kasi sa ulo e, binat na po ba un?? And naka aircon kasi kami sa kwarto so minsan malamig talaga sabi nila pag nag chichill ka daw binat na din daw un e minsan nilalamig talaga ako.. Natatakot ako sabi nila pag may binat mababaliw daw??? Totoo po ba un? And ano po pwede ko gawin? Thank you mga momsh! Sa totoo lang dagdag sa sakit ng ulo ko 'tong Binat binat na to.. Kakaisip ??