Okay lang naman po mix feed, pero ikonsulta niyo po muna sa pedia niya Sabi niyo po kulang sa gatas? Ang milk supply kasi ni mommy merong tinatawag na “supply and demand” Meaning kapag palaging nadedede ang gatas, mas napupursigi ang katawan na gumawa ng gatas for baby. Kapag nag mix feed kasi ng formula, ang nangyayari, nag iisip ang katawan ni mommy na: aii, parang di naman yata need ni baby ng gatas, dahan dahan na lang muna tayo sa milk production, may kapalit naman pala tayo :( Pero kung breastfeeding ka po, ang body nag iisip na “oiiii kelangan ni baby ng gatas! Bilis gawa pa tayo ng daming milk” Kaya dumadami supply mo for baby.
Di naman. Ako din mixed feeding. Minsan tlga may mga bagay na pinaplano tayo pero di nasusunod dahil sa mga kdahilanang di naman natin ginusto hehe ako din plano ko breastfeed kaya lang may latching problem kami kaya napilitan formula kesa naman magutom si baby. Nagtatyaga ako mag pump ngayon para at least makainom pa din sya gatas ko. Awa ng Diyos nakaka half formula, half BM na din kami buong araw. Hopefully in the future pure BM na. Okay lang kahit hirap ako magpump basta pra kay baby. Fed is best, mommy. Wag ka msydo mag worry basta ginagawa mo best mo wag mo pansinin msydo sinasabi ng iba.
Hindi nman sis ganyan din ako sa 1st baby ko mix feed din kse mahina milk ko tas un kanan lang lagi dinedehan nya ganyan din milk nya bonna kso pinalitan ko kse matigas un dumi nya tinitibe sya Kaya pinalitan ko.awa Ng diyos healthy nman sya khit mixfeed going 3 yrs.na sya ngayun at kelan lng sya ngstop sa bottle sa baso na sya umiinom Ng milk nya at nadede pa Rin sya sakin ngayun😊😊
If working mom po kayo, Pwede naman po na magpump ng breastmilk para napupursigi parin ang katawan na gumawa ng milk, naiinom pa ni baby ang gatas na galing sa iyo. 🙂
Mixed feed din si baby and ok lang naman as per his pedia.