pa vent out mga momsh!
hello mga momsh! maglalabas lang sana ng sama ng loob. andto po kami sa bahay ng magulang ng asawa ko. nakikitira po kmi. sa totoo lang mababait ang mga byenan ko at pati naman asawa ko. may anak kmi isa palang. ang sumasama ang loob ko everytime na sasablay ang asawa ko sa mga desisyon niya sa buhay eh ndadamay kami ng anak ko. unang una bukambibig palagi ng byenan ko na lumipat na kmi ng bahay, bumukod na kmi, mag solo na kmi.. wag na kami maki pisan. alam niya na hndi pa kaya ng anak nia lalo sa panahon ngayon pandemic. wala din trabaho. naiisip ko minsan, pag ba sumablay ang anak nia, kelangan pati kmi damay? ano naman ang kinalaman namin ng bata sa kasablayan ng ama. sana naiicp niya un. ang totoo nkakarindi na. nakaka down at nakaka depress ang mga sinasabi nya. #advicepls
Full time mom of a very pretty princess