problema sa byenan

Mga momsh, maglalabas lang ako ng saloobin. Hirap kasi nung byenan ko e. Alam kong bawal ang tubig sa baby lalo na ang baby ko wala pang isang buwan. Pero pinapainom nya pa rin. Kaya ngayon basa lagi sa pawis anak ko at panay ihi. Tapos pinapainom rin nya ng katas ng ampalaya di ko alam kung pwede yun sa baby. Yung tiki tiki rin gusto nya ilagpas sa 0.25 ml yung sukat kasi wala naman daw kaso kung damihan dahil vitamins lang naman daw yun. Naiinis na ko mga momsh kasi nahihiya rin ako pagsabihan baka magalit. Hays. Tapos minsan pag umiiyak si baby tapos hindi ko mapatahan, kinukuha nya bigla sakin. Feel ko mga momsh pinaparamdam nya sakin na wala akong kwentang nanay, na di ko kayang alagaan anak ko. Nakakadepress lang. May minsan pa na nilalaro ko ang anak ko. Karga karga ko gusto nya agad kunin sakin e nag eenjoy pa kong laruin anak ko. Nakakainis mga momsh. Hindi ko rin masabi sabi sa asawa ko kasi sumusunod lang din sya sa gusto ng nanay nya. Hays. Di rin kasi ako makauwi samin dahil tawid pa sa dagat yun.

29 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Kht magalit pa byenan magsabi ka kc alam mo kng ano makakabiti sa anak mo tska isa pa anak mo yan kea dpat respeto dn byenan mo sau at kausapin mo asawa mo about jan kng wla lng sakanya hayaan nya padin nanay ikaw mismo gumawa ng paraan pra d magawa ng byenan mo mga mali na nakaugalian

Ganyan din byenan ko mamsh. Kaya ginagawa ko, nakulong kami sa kwarto. Bababa lang kami pag kakain. Minsan nga inaakyat kami sa kwarto, babantayan lang daw. Gawin ko na daw lahat ng gagawin ko. Tapos mamaya maya malingat lingat lang ako, kinuha na pala si baby wala na sa kwarto.

Thành viên VIP

Masyadong namang mamas boy asawa mo. Remember your child your rules.. Pag ako yan kahit humantong kami sa away .. Dun nalang aq s parents ko mabuti pa.. Wag kang mging duwag pagdating sa kalusugan ng anak mo.. Alm mo bng pwd ma toxic c baby mo sa water ...

Isa lang sagot jan...isama mo sa pedia mo at hayaan mo siya ang magpaliwanag sa biyenan mo. Para marinig nya lahat ng bawal at maaaring complications pag ipinilit niya. Medical na yun na based on facts. Ewan ko lang di sumunod byenan mo.

Nku momsh . byanan lng sya at isa baby mo yan. Parang pinapatay narin nya apo nya sa gngwa ng byanan mo . . kausapin nyo po bilang nanay dpat alam ng byanan mo yan . pano pg my nangyari sa baby mo ikw ang sisihin nila

Kausapin mo nlng ng maayos mil mo momsh baka kung mapano si baby kung ano ano ipinaiinom nya.kung tanggapin nya o hindi problema nya na yun,basta alam mo naman sa sarili mo kung ano makakabuti sa baby mo.

Momshy nako stress nga yan pero momshy alam muna man kung ano ang makakabuti sa baby mo ipag laban mo wala namn masama kung sabihan mo siya kasi ina kana rin si husband mo sabihan mo rin tungkol jan.

your baby your rules... manindigan ka kc oras n mapahamak yang anak mo ikaw at ikaw ang masisisi kc ikw ang nanay... kaya ikaw dpat ang masunod kung ano ang pagpapasya sa baby mo...

Danas ko yan.. Halos ndi ko mahawakan anak ko. Binibigay lang nila sakin pag gutOm pasusuhin ko dw.. Alam mo un.. Ang hirap mkisama sa byanan na pkialamera at Hindi ka mo kasunDo..

5y trước

Kaya daoat mamsh,mas maiging bumukod kaya. Leave and cleave.

bawal po sa baby ang water..lalo n kng wla pang 6months..bawal din po yang mga ampalaya..jusko sis.bka mapaano ang babh mo kng dmo pagssabhan byenan mo