Needs advise

Mga momsh madamot bang matatawag yung sasabihan yung asawa na wag magbigay sa magulang dahil hindi na nya obligasyon magulang nya dahil may anak na sya. 1 yr old na baby namin and ngayun lang nakapagwork ang asawa ko. Dati ako nagwowork at asawa ko nag aalaga sa anak namin. Since pandemic nawalan ako ng trabaho kaya nagpalit na kami ng sitwasyon asawa ko na nagwowork at ako nag aalaga sa anak namin. Kaso etong byenan ko kahit unang sahod palang ng asawa ko hiningan na kagad nya ng pera. Eh nung time na walang wala kami wala man silang nabigay na tulong samen kapag walang milk anak ko sasabihin lang nila wala kasi akong pera kaya buti nalang to the rescue ang family ko. Ang nakakainis lang dito naman na kami nakatira sa bahay ng mama ko at hindi sa bahay ng byenan ko pero kung makahingi sya ng pera every sahod ng asawa ko kala mo sya ang asawa dahil sya pa nangungunang manghingi. Yung asawa ko naman bigay ng bigay. Pero sa family ko na tumulong samen wala man kaming maibigay. Sinabihan ko na din asawa ko na kami ang ipriority nya kaso hindi nya matangggihan nanay nya everytime na manghihingi. Ano ba ang dapat kong gawin? PS. May work pong pareho ang byenan kong babae at lalake. Dalawa lang anak nila asawa ko at hipag ko. Kaso ang hipag ko nag asawa nadin. In short ang pera ng mag asawa sakanila lang napupunta. Tapos hihingi pa sa asawa ko. May ganito ba talagang klaseng byenan? #advicepls #pleasehelp

22 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

for me yes. tandaan mo wala ASAWA mo ngayon if wala ang mga magulang nya. Hindi rin masama tumulong sa magulang.

4y trước

in my own opinion lang po ah,hnd po utang ng loob ng mga anak na pinalaki sila at inalagaan ng mga magulang nila ito po ay tinatawag na RESPONSIBILIDAD ng mga magulang,ngayon kung ang anak mo ay tumulong sayo pagdating ng araw goods po un pero kung hnd goods pa din po un nasasakanila po un,pero kht kelan po hnd po responsibilidad ng mga anak na ibalik sa mga magulang ang utang na loob sa pagpapalaki nila sa mga anak nila.

Ganyan din yung mga biyenan ko. Akala mo laging may patago. Akala nila laging may pera. 😂