Payslip/Salary

Mga momsh isinusurrender din ba ni mister sainyo yung payslip nya at binibigay ung buong sahod nya? Kung oo, Do you think healthy ba ito sa relasyong mag-asawa at kung hindi naman. Bakit?

80 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi
Thành viên VIP

Yes binibigay nya sakin yung payslip. Parang lahat lahat na lang ng money na binibigay na nya sakin, although I haven't told him na need nya talagang ibigay and dapat mag tira sya ng para sa self nya. Tumatawa lang sya at sinasabihan ako na as long as owkay lang ako and hindi daw ako mawawalan ng money, owkay na daw sya dun. But shempre binibigyan ko talaga sya kasi hindi naman pwede na ibigay nya lahat na pati nga 100 peso parang ayaw nya kunin. Grabe kasi sya maka spoil sakin sa lahat ng gusto ko and wala naman akong luho, sa food lang talaga and kung ano ang needs namin ni baby, yun lang. But other than that, wala na akong pinag gagamitan ng money kasi may business naman ako and parang pinipilit ko nga na mag tira sya para sa needs nya kasi pag hindi ko sya pinupush na alagaan yung self nya. Napapabayaan nya talaga. Kaya parang ayaw ko na nasa malayo sya kasi tinitipid nya yung self nya and binibigay sakin lahat. Too much na nga. Kaya I asked him to move in with me kasi nag transfer sya ng work na mas malapit saamin ni baby kaya I can make sure na maaalagaan ko na talaga sya.

Đọc thêm

We keep our salaries personal/confidential po. Hanggat wala kami anak hating kapatid kami sa lahat ng bayarin. Para nakakapag-ipon kami pareho na magagamit in times of emergency at makakaipon din kami pareho at the same time. Pero may kasunduan kami na pag nabuntis ako siya ang sasagot sa groceries and essentials namin at ako po ang sasagot sa monthly amortization ng bahay na kinuha namin. Lahat hati kami sa expenses sa kuryente, tubig, internet. Until now na buntis ako we keep our agreement at yun ang pinapractice namin. Maswerte lang talaga kay husband very masinop sa pera, family-oriented at responsible.

Đọc thêm

No idea ako sa actual income ng husband ko and hindi naman din namin napagusapan 😂 ako din naman hindi nya din tinatanong sa sahod ko. May kanya kanya kaming savings account and may isa kami joint account na weekly namin hinuhulugan para sa pang gastos kay baby and sa mga pusa namin. Sya din naman nagbabayad lahat sa bahay (rent, tubig and kuryente) pag nag grocery minsan and mga online shopping for baby essentials and gamit sa bahay, ako na yun 😁 ok naman set up namin. Para sakin kasi mas ok na may sarili ka pa din pera 😊Depende talaga yan sa agreement nyo mag asawa

Đọc thêm

yes momsh , part sa akin momsh ako Lang mhhya DHL sa wla ako at trbho wla DN akong ipon , pag ngsahod nmn syA bnbgay nyang buo sa akin agd at NSA akin ung ATM nya pero Hindi ko gnglaw un hnhyaan ko lng sya n sya ung kuha Ng kuha bsta Ang budget nmin sa gamit Ng BBY ako pero hndi ko pera un sa knya nmn kht hndi sakto ung pera sa sahod hndi ko na bnblang takot Lang n sumbtan ako ayw ko KC Ng gnun Kya weather lng pag dtng sa pera KC iba p nmn Ang mnga lalaki pagdtng sa gnyn pero wla nmn akong prblema sa partner ko DHL kusa nya nmn un..

Đọc thêm

Nung may work pa asawa ko before pandemic, sya na mismo nagsasabi kung magkano sinusweldo nya. Hindi ko kinukuha atm nya kase binibigay naman nya sweldo nya lahat sakin bumabawas lang sya ng allowance nya for a week tapos hihingi nalang sya kapag paubos na. Madalas ko sya tanungin kung may extra pa sya kase baka bigla sila magkaayaan tapos wala manlang sya pera ayaw ko din naman ng ganon kase sobrang responsable naman nya. Tsaka di namin pinagaawayan yung pera. Tiwala din ako sa kanya tsaka ang tipid nya. 😊

Đọc thêm

Ung pay alam ko never naghide saken si hubby when it comes to his salary even sa bonus. Pero never ko sya inoblige na surrender saken buong sweldo nya. I totally trust him at wala din sya bisyo. Spoiled ako at ang baby nmen so we are more than happy. I want him to feel free in handling money. I trust and respect him. He deserves it super pagod sya sa work kaya ok lang din magsplurge sya sa food or gamet nya at times. Pag may financial matters sya din nMan nMmroblema hindi ako.

Đọc thêm

hinde momshie.. may work kasi kame pareho at hinde namen pinapakelaman ang pera ng isat isa.. pero share kame sa lahat ng gastos sa bahay 50/50 .. and sa joint account naka "and" account din. same set up ngayun na magkaka baby na kame at mas ok un .. at sa tingin ko mas ok ung ganito na set up kasi at least alam ng bawat isa paano mag budget monthly at the same time may pera ang isat isa walang humihingi at bibigyan lang. equal effort .. wala away sa pera😊

Đọc thêm
Thành viên VIP

Nope. Since both earning kami, separate finances pero shared expenses at open wallets. Magsabi lang sa isa't isa kung kailangan. Ibibigay kung reasonable. Kaya di namin pinag aawayan kung may nabili nanaman akong damit para kay baby. Di ako nagagalit pag may kailangan nanamang ayusin sa motor niya. Pero pag delay sahod ko at need bumili diaper ni baby, magsasabi lang ako sa kanya. Kung may gusto siya bilhin online, magsasabi niya sakin 😁

Đọc thêm

di ko cya inobliga. kusa nya binigay sakin. sabi ko bago kami nagpakasal, pagawayan na namin lahat wag lang pera, third party and physical abuse. i asked him if ok lang ba na ako naghahawak ng pera kahit cya ung nagwowork. he said na mag asawa na kami, walang kanya, walang akin. amin un. share kami sa lahat. so dapat bago maging mag asawa pagusapan na talaga magiging set up. mahirap kapag pera ang issue.

Đọc thêm

Nung working pa siya hindi niya binibigay sakin payslip niya dati, di ko nga rin alam kung magkano tlaga sahod niya. Di ko naman din tinatanong, di naman issue sakin yun. Basta nakakapagprovide siya saming magina at sa family, okay lang. Siya din kasi nagbabudget samin nun. Binigay niya lang sakin nung 2months before siya magresign sa work. Ngayon kasi, nagmamanage nalang kami ng family business.

Đọc thêm