sensitive mommy

Hi mga momsh. Gusto may mapag kwentuhan, hnd ko maopen sa hubby ko kasi nahihiya ako. Ayaw ko din sa mga kaibigan o kapatid ko bk isipin ang arte ko ang napaka narrow minded. Hnd naman ako dati super sensitive, malawak dati pag unawa ko pag dating sa mga naririnig kong opinyon galing sa ibang tao. Pero ng magka baby na ko, pag may nag ko-comment na hnd ko nagugustuhan nasasaktan ako. Payat kc baby ko, pinanganak ko sya 36wks and 5days, 2.3kls, maliit ang katawan. Okay lng naman sakin atleast okay na sya na-i-survive na nya ang trial na pinagdaanan nya. Pero after nya makalabas ng hospital parang tumatak na sa isip ng mga nasa side ng asawa ko na weak ang baby ko. Pinupuna ang pagiging payat, kesyo daw premature si baby kaya payat. (techinically hnd sya premature kundi preterm kc 9mos na sya yan ang tamang term daw sabi ni doc.) Laging pinapansin ang maliit na binti at braso. Nasasaktan ako pero hnd na lng ako nakibo. Pag minsan may nakikita akong 2mos old na baby na swimming sabi ko "tignan mo oh ka-edad lng ni baby pero na-swimming na" bigla sasabat "iba naman yan si baby (si baby ko ang tinutukoy) kulang naman yan sa buwan". Yung feeling na pwde naman mag move in kc 2mos na baby ko hanggang ngayon ba kulang sa buwan pa din ang tingin nyo sa kanya??? Hnd naman sya kulang sa buwan.. 2days lng bago mag 37wks!!! Napaka sensitive ko lng talaga, lagi na lng pinamumukha na kulang sa buwan si baby.. ayaw ko lng dumating ang panahon na kapag malaki na sya at kung hnd man maging accelerated na bata si baby sana wag nilang lagi i-bo-brought-out ang pagiging premature nya kc hnd sya premature.. lagi na lng bukambibig "kulang kc sa buwan ang anak mo kanya ganya, kaya ganito".. paulit ulit.. nakaka rindi!!!! ????????

2 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

ok lang po yan momsh.. basta healthy c baby.. wag mo nalang po isipin ung sinasabe nila.. basta alagaan molang ung baby mo.. hayaan molang sila pumuna ng pumuna magsasawa din yan.. be strong mommy para sa baby mo.

Ilabas mo ung nararamdaman mo sa hubby mo. Kahit ako naman masasaktan pag pa ulit ulit nalang sinasabi ang mahalaga healthy c baby Hindi nag kakasakit. Pag may sinasabi din sa anak ko na d maganda nasasaktan ako