Cold water

Hi mga momsh, FTM here ☺️ Ask ko lang po sana kung okay lang maging mahilig sa pag-inom ng malamig na tubig? I'm 16 weeks and 5 days pregnant now. Sobrang hilig ko talaga sa malamig na tubig simula nung nabuntis ako lalo na nung 2nd month ng pagbubuntis ko, every meal ko laging may malamig akong tubig na iniinom. Safe po kaya un para sa amin ni baby? TIA 💖 #1stimemom #advicepls #pregnancy

Cold water
31 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Pinagbawalan din ako ng mom ko pero makulit ako 😂 9 months puro cold water iniinom ko. Sabi lalaki daw si baby or titigas ulo. Pero yung size and weight ng baby ko nung lumabas is normal lang. I asked mu doctor din kung okay lang, di naman nya ko pinagbawalan. Init na init na nga feeling ng buntis pagbabawalan ka pa sa malamig 😂😂

Đọc thêm
3y trước

boy po b c bby?

ok lang po uminom ng malamig na tubig. mainit ang panahon at mainit din pakiramdam ng buntis. wag lang po yung malamig na matamis like softdrinks or artificial juices. kasi po yun ang nakakalaki ng bata kaya nahihirapan manganak. 🙂

Wala nmn masama sisy sa pag inom Ng malamig na tubig .. Sabi Ng OB ok Lang daw Basta tubig walang halong kahit ano na matamis na nakakataba at nakakalaki kay baby Basta limit kalang sa malamig Kasi Ang preggy mabilis mainitan Lalo na Kung Malaki na Ang baby bump ..

pinagbabawalan ako ng asawa ko uminom ng malamig na tubig . at masama daw kaso ndi ko talga maiwasan ang hirap uminom pag di malamig . ung mga lagayan nga namin tubig sa ref tinago at tinapon nia na para di nadaw ako makinom malamig

same here 🙋🏻 ok lng nman daw yan kasi pagdating nyan sa tyan, pumaparehas n rn temperature nya s loob. ang masama is yung hnd k palainom ng tubig o hnd malinis iniinom n tubig

Yes po. Wala naman po problema kahit magtake po kayo ng malamig. Wag lang po masyado baka naman po ubuhin kayo. Ako lagi din naman umiinom ng cold drinks. Normal naman po ako nanganak. Wala naman din po problem si baby

sabi din saken ng tita ng partner ko po. pwede naman po pero pag malapit kana manganak o ka buwanan mo na less na lang daw po muna pati sa pagkain ng madami kase baka mahirapan mailabas si baby

Ok pa naman po kong maliit pa like 1 to 4 .. Pero pag lumalaki na po sya wag na po uminom ng malamig lalo na pag 7 to 9 kasi pag labas ng bata 100% po grabi ang sipon ng bata nyan

Ok lang mommy. Pagdating sa tummy mag-iiba na ang temp ng cold water. Just make sure hindi sobrang lamig (ex. maraming ice or medyo frozen), magda-dry ang throat at ma-irritate.

Thành viên VIP

wala naman masama sa pag inom ng malamig na tubig lalo mainit ang panahon, yun lang kapag prito kinain mo tapos sabay malamig na tubig nakaka slow ng digestion yun lang naman un