Any tips para maglabor at mag-open na ang Cervix?
Mga momsh EDD ko na po ngayon July 18 pero di pa rin ako naglalabor at close cervix pa rin po ako. May tips po ba kayo para mag-open na ang cervix at makapaglabor na rin? Ayoko po ma-over due at ma CS kaya nagwoworry ako. #TeamJuly2023
patagtag talaga like walking. ako 2hrs nonstop magwalk nun every morning tapos squat 30x per hr pag gising ako..pero nung nagulan ulan na, per hr 10min na lakad lakad sa bahay lng tapos 30x squat. then may nireseta din sakin na pampalambot ng cervix which is primerose. nakahelp naman sakin kahit paano kasi close cervix din ako at mataas tyan. nagstart ako uminom nun nung 38weeks nko, 3x a day. nanganak ako ng 39weeks and 2days, 3hrs labor lng din ako. and syempre sex with hubby. nakatulong din yun in my case. And last, prayer and kausapin mo si baby mo
Đọc thêmjust relax and wait. if the baby is ready, patagtag o hindi, lalabas yan. walang over due kasi ang edd is just 40weeks. hanggang 42weeks naman ang pagbubuntis lalo na kung ftm. also, kaya may ob/midwife ay para tulungan ka incase na edd mo na at di pa rin naglalabor. punta or balik ka sa kanya. dont stress yourself, lalong tatagal lang ang paghihintay mo at baka mastress din si baby kung masstress ka .
Đọc thêmAvoid stress, walking at squat nakakatulong. Yan lang ginawa ko at stretching esp for pelvic area, wala akong kinain or ininom I gave birth 38weeks super bilis lang ng labor ko.
Primerose po,lagay sa pwerta ,drink pineapple juice exercise squat mkktulong po sa pg open ng cervix...
Lalabas din yn si baby mi . ako nga nanganak 39weeks and 7days na
team july din ako mie, edd ko july 23 no sign of labor,
same ..
insertan mo primrose mas effective yon basta sagad mo
Mga ilang capaule po pwedeng iinsert?
Momsy of 2 adventurous son and one daughter