Aso o anak?
Hello mga momsh cno dto may byenan na napakahilig sa aso? Ung byenan ko kc sobrang hilig nya sa aso halos lahat ng askal dto samin inaampon nya kht may mga diperensya may galis may nagsusuka. Madalas amoy aso ung buong bahay 1beses sa 1month lng kc nililiguan ung mga aso nya. May allergy kc asawa ko sa mabalahibo/alikabok. Nag aaway cla ng asawa ko dahil sa aso. Worried kc asawa ko dahil may baby kme. Pinapapasok kc sa loob ng bakuran namin ung mga aso. Ung byenan ko at kapatid nya kc unang tumira sa bahay namin since malayo ung work namin ng asawa ko. Ngaun pandemic bumalik na kme sa bahay dahil kapos na sa budget. Pag nagsasabi naman ung asawa ko about sa mga aso nagagalit naman byenan ko. Pkiramdam tuloy ng asawa ko wala syng karapatan dito sa mismong bahay nya d nya magawa ung mga gusto nyang mangyari dto sa bahay at parang mas pipiliin pa ng nanay nya ang mga aso kesa sakanya. Tapos tuwing gabi binibuksan pa ung radio gang umaga. Sobrang bait ng asawa ko kc d nya masagot ng sobra nanay nya. Minsan nakikita ko sya parang naiiyak sa inis pero d nya pinapahalata sakin. Naaawa nadin aq sa asawa ko dahil stress na nga sya sa work pagdating sa bahay ganun pa. Cmula ng tumira kme dto d namin feel na welcome kme. Parang kame pa ung panira dto sa bahay namin. Sorry po sa mga pet lover. Naglabas lng po ako sa saloobin ko 😔