gaano katagal?

Mga momsh ask lang ulit, Gaano katagal po ba mapalitan ng voluntary type yung sss ? Kse dati po akong employed, then last month pa po ako nag punta ng sss, at binigyan ako ng huhulugan ko para mapalitan daw ng voluntary pero hanggang ngayon hindi parin napapalitan. Hindi parin ako makapag fill up ng mat 1, e manganganak nako next month, due date ko ng nov 11, hys baka di pako umabot sa pag apply ng maternity ko 😔

2 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Ganto case ko, nagbayad ako sa sss ng voluntary tas na change yung status ko to employed- voluntary tas pag kita ko after a month nag change status ko to employed ulit yun pala yung employer ko di pa ako nireremove sa record nila na hinuhulugan sa sss may pumpasok parin sa account ko na 0.00 pesos kahit matagal na ako nag resign kaya suggest sakin ng agent sa sss e tawagan ko daw employer ko at pa remove ko daw saknila yung sss para wala na pumasok na payment tas tsaka daw ako mag bayad ulit ng voluntary para ma change to employed-voluntary.

Đọc thêm
2y trước

sge momsh salamat, i follow up ko nalang ulit sa sss, kukulitin ko ng kukulitin sayang kse hahaha

Nakapaghulog ka na po ba mommy? Yung saken kasi 6 days after ko maghulog napalitan na

2y trước

Kapag nanganak ka na po at mag aapply ka matben no need na MAT1. Proceed ka na sa DAEM and MAT2