Pusod ni baby
mga momsh ask lang ok lang ba maging ganito pusod ni baby? pag inamoy naman po walang amoy eh. papano nio po nililinisan pusod ng baby nio? salamat po #1sttime_mommy
Hi po.. 1st time din po ako.😊with 1week old baby girl. As per nurse po na naghandle sakin alcohol lang po ang panglinis sa pusod ng baby. cotton balls basain ng alcohol as in basa po dapat ang buong cotton balls, then gentle na punasan pa-downward po. sana makatulong.😊
sakin sis pinapatakan ko ng isoprophyl alcohol wag ethyl ha possible kasi na masunog balat ng baby, matapang na kasi ang ethyl alcohol. after maligo at napunasan na ng towel, bago bihisan patakan nyo po ng alcohol. ilagay nyo po sa cotton tas pigain nyo po sa pusod nya.
alcohol lang po lagay sa cotton balls.sbi sakin ng pedia dapat malinisan ,maalis yung parang nanigas na dugo,kasi pag hnd daw po naalis pwd masugat ang pusod,gentle lang po.
alcohol lang, ini-sprayan ko 2-3 times a day. Pag papaliguan si baby, takpan mo na lang ng tela para di mabasa. within a week, kusa ng natanggal.
yes po mi ganun din po ginagawa ko ngayon, iniisprayan ko ng alcohol nalang.
hello ask kolang po ano po itong lumabas saken 1 month pregnant po Ako at first time kopo ito
Nakunan ka sis
Cotton balls with alcohol lang po at least 3x a day ang advise ng pedia ng baby ko
alcohol lang pakatapos maligo wag na wag mo basain yan lalo di pa healed
sakin ginawa ko pinapatakan ko 3x a day ng alcohol tas palit ng bigkis
always lgpo momsh lagyan ng alcohol dpt laging tuyo,☺️
patakan mo ng alcohol tapos lagyan mo ng bigkis