Manas

Hello mga momsh, ask ko lang po sana kung may naka-experience ng ganto.. 33 weeks pregnant here, ngayon ko lang napansin na sobra na pamamanas at di ko na matanggal yung wedding band ko. Any tips po panu mabawasan ang pamamanas or kung panu ko matatanggal to? Na-try ko na i-wash with soap/water saka lotion, ayaw talaga..

Manas
49 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Naku momsh. Ako din now eh nagstart na magmanas i'm at 30weeks. Yung ring ko natanggal ko pa. Ilang araw ko na kasi nraramdaman nun na masakit tlga prang naiipit na. Try nyo oil momsh

Ma'am ako nag manas dn aq sa panganay ko pinayo ng midwife na mag lakad aq tuwing umaga tyaka iwas sa malamig at wag kakaen ng bahaw na kanin....more on fruits and vegetables

Dmihan po inom ng tubig. ....im at my 35 weeks...namamanas din ako pro yung mild lang....tpos nawawala siya pg.gabi....pro sa kamay..hindi naman po namamanas yung paa ko lang....

Thành viên VIP

Ganyan dn ako nkraan sis, ginawa ni hubby nilagyan ng oil, ayun ntanggal nman.. Ung manas mu nman, iwasan mga salty food ska lkad lkad n dn ska taas mu paa mu pag nkaupo llo..

Momsh Ganyan Din Po Ako Manas Na Din Po Ako Sa Kamay At Paa , Pinagbabawas Po Ako Sa Pagkain Ko At Di Na Din Po Ako Pinapatulog Nang Hapon .

No to cold water para iwas manas at lakad lakad para iwas manas. Then every night apply ka ng oil sa paa then wear socks para dika akyatin ng lamig.

need nio po tanggalin yan kung masikip na. sakin ndi ko muna sinuot kc anlaki ndn ng daliri ko hehe tnanggal ko na habang nattanggal pa sa sabon.

Ako po nangagalay lng paa ko pero hndi namamanas paa at kamay ko pinapahilot ko sa asawa ko gabi gabi pag nangagalay paa ko tpos nawawala naman.

kaht ano kainin o ilagay mommy d po tlaga mwawala ung manas as long kng nanganak na po kau.. aq 34weeks ala pa nmn, guro by nxt week meron na

Try mo Po itaas kamay mo.. mga 1-2hrs not sure. Mapapansin mo nmn lumiit na then saka mo lagyan sabon or sinulid para matanggal singsing.