Mga momsh ask ko lang ilang months kayo bago bumalik sa work industry, End of contract kasi ako sa previous job ko hindi ako inabsorb dahil halatang umiiwas ang company sa maternity compensation even ginawa ko ang role ng 2employee na umalis sa kanila noon. Anyway, may nag job offer kasi sa akin malapit lang sa amin and hindi mahirap ang byahe, ang problem ko is sapat na kaya ang pahinga ko na 1 month and half? Breastfeeding mom din pala ko, inaral kona din ang proper storing ng breastmilk, really need ko mag work mga momsh dahil sobrang sakit sa isang ina na nagkukulang sa pangangailangan ang mga anak. May asawa naman ako pero hindi niya kayang sustentohan mga anak namin ng maayos, nakatira siya sa magulang niya at ako dito sa magulang ko naman, literal na sandal ako sa magulang ko dahil nakikita nila kung gaano ako naghhirap sa poder ng asawa ko lalo na kapag may mga sakit akong nararamdaman kaya kinuha nila ako kasama mga anak ko. Parang hangin lang ako na nagsasalita kapag may iniinda ako sa asawa ko simula noon. Nakakahiya na sa magulang ko dahil ginagampanan nila ang ibang pagkukulang sa mga anak ko. Kaya mas ggustuhin kona magtrabaho agad dahil unti unti nagiging hindi maganda sitwasyon ng mga anak ko hangga't hindi ako kikilos ulit :(