ang sakit sakit na sobra

Mga momsh anong dapat kung gawin. Kasal kami ng asawa ko and FTM din, currently ko lang nalaman na may ka-live in pala sya at may anak silang 6yrs old na. Nalaman ko lang nung kasal na kami, and tinanong ko sya kung bakit di nya sinabi sakin na may iba pala sya at bakit nagawa nya pa akong pakasalan kung may ibang babae pala sya. Ang sagot nya lang sakin eh kasi daw ako naman ang mahal nya kaya ako pinakasalan nya. Okay na sana lahat eh, kilala na ako ng parents nya bilang asawa nya, may sarili kaming bahay pero ang di ko lang magets bakit every Sunday umuuwi sya dun sa babae at anak nya. Kung talagang di nya mahal yung girl eh bakit kailangan nyang umuwi dun? Kung dahil lang sa anak nya okay lang naman na sustentuhan nya eh wala namang problema sakin yun, naiisip ko talaga lagi pag umuuwi sya dun na baka may nangyayari padin sa kanila syempre ka-live in nya yun eh. ? Di ko na alam iisipin ko. Sorry mahaba mga mommies. Wala lang akong malabasan ng sakit at sama ng loob. ?

125 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi
Thành viên VIP

kausapin mo. .kung matigas talaga. .iwan mo. .file a case..yun lng. .

Feel mo matapang ka sa pag tolerate sakanya sis. Kawawa ka naman.

Influencer của TAP

Kasal ba kayo? Reklamo mo sa pulis. Kasuhan mo.. Para madala.

5y trước

Ireklamo mo ng violence against women and her children.. Sobrang depressed at emotionally unstable ka na sa ginagawa ng asawa mo kamo.

Wala akong masabi kundi putangina para sa lalake na yan. Boyset.

May mga lalake talagang hndi marunong makuntento sa isa😠😠

Pg umuuwe p sya dun. Im sure meron prn nangyayari

Ngee..d nmn po ba sya muslim? Wag po kau payag mamsh..

Thành viên VIP

Mag usap kayo bg mabuti, hindi pwede yung ganyan.

Kausapin mo Sis. Ask him. Sabihin mo feelings mo

naku kung ako yan hiniwlayan ko n asawa ko