lamig

Mga momsh ano kaya pwede kong ipanggamot or ipahid na cream pra malessem ung sobrang pangangati ng lamig ko? Di na kc ako nkkatulog sa gabe , naiiyak na ko sa sobrang kati. Pls help

lamig
22 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi
Thành viên VIP

Momsh try mo yung caladryl yun ang reseta ni ob sakin ng magkaron ako ng mga rashes. Nawala naman sya super tinitiis ko lang talaga wag kamutin, I warm compress mo para mabawas ang Kati. Apaka hirap ng me ganyan momsh hindi ka makakatulog sa sobrang kati. 2 days lang akin nun nag improve na tapos ngayon wala na sya, tinuloy ko lang pahiran ng baby oil para di nag da dry skin. Iwas muna sa kahit anong lotion kasi sensitive balat natin ngayon.

Đọc thêm
6y trước

Makakabili kaya nyan sis khit wlang reseta ?

puppp rash tawag sa ganyan momshie. pruritic urticarial papules and plaques of pregnancy (PUPPP). same tayo. may ganyan din ako, sobra kati lalo na sa gabi. Desowen lotion reseta sakin ng ob then lagyan ng fissan prickly heat powder. tpos aveeno skin relief body wash gamitin mo sa paliligo. somehow mababawasan ang kati. tiis tiis lang pra kay baby. basta Kapag makati sya pahid ka lang din ng cold towel.

Đọc thêm

Puppp rash yan momsh. Same tayo situation ngayon. Nireseta sakin cetirizine, prednisone and drapolene cream. Pero pang pa ease lang ng kati. Mawawala lamg din daw yan after manganak. Pero may ginagamit ako ngayon Grandapa Pine Tar Soap, infairness nakakahelp. Tiis tiis lang tayo momsh. 🙏🏼👶🏻💕

Post reply image
5y trước

Akala p ni hubby ngkukung ako ss pgsssabon grabe sya kulang nlng wag ako umalis ng shower kasi nkkginhawa sa kati.

Ganyan din ako sissy nun pero sa mga kamay ko lang and tummy. Thankful no stretchmark 38weeks now. Sobrang kati twice p ako na er nun kasi kumalat gang sa leeg ko yung kati. Then binigyan ako ni ob ng cream na pm pahid and cetaphil soap and cetirizine. Thank God nawala din yun.

5y trước

Yes sissy virlex tab before bed time ko tina take. And yung cream na pam pahid check ko later. Change your soap muna sis cetaphil muna. Then ipahid mo din sa affected area virgen coconut oil. Ako nun maya't maya lagay sa tummy kaya nawala agad. Then yung sa mga kamay ko inabot din ng 3days. After 3days of medication nawala din. Try mo lang sis cetaphil muna and sa kati cetirizine. Or p check up po kayo sa ob sissy.

Nag ka ganyan ako dati sa likod nag tuhod. Grabeng kati nyan hindi ako pinapatulog. Ginagawa ko nilalagyan ko ng baking soda tapos onting water pag naging paste na sya nilalagay ko dun mga 30mins ko binababad. Tapos banlaw na linanagyan ko naman ng ice after.

Thành viên VIP

My ganyan din po ako. Nakakaiyak ang kati, desowen cream ang nireseta saken at cetirizine pero di po ako bumili.. Naglaga lang po mother ko ng dahon ng bayabas at yon lagi panligo ko. Nawala naman po 😊

5y trước

Safe po ba Para sa pregnant ang Dahon ng bayabas? 19weeks and 6days na po tummy ko. At sobra Kati ng legs, likod at tiyan ko

Tanong ka po sa OB mo sis. Kasi iba iba ang type ng skin natin. May mga product na pwedeng maka irritate niyan. Kaya dapat sa expert maghingi ng advice 😁

Thành viên VIP

Same tayo pero di ganyan kadami sa tyan ko makati pag diko na kaya yung kati nilalagyan ko alcohol lahit mahapdi maginhawaan lang ako

Pareho tau sis... Sobrang kati...pero ngtry ako ng soap na dove..pag nagaapply ka sa katawan...wala kang kati na mararamdaman.. 😊

PUPPS yan... sa lahat ng ni reseta, betamethasone lotion yung effective sakin.. better check with OB and derma