IN-LAWS

Hi mga momsh, ang OA ko ba na lagi akong naiinis kapag sinisilip ako dito ng in-laws ko? I'm 36 weeks preggy. Nakabukod naman kami ng bahay ni hubby pero katabi lang namin ung bahay ng in-laws ko. Nung una okay naman. Simula nung di ako naglalabas dahil sa virus, nagsimula nang sumilip dito at sabihan ako lagi na lumabas naman at maglakad lakad. Take note ah, 5 months palang ako nun gusto nya magpakatagtag na ko. Then yung mga unang prenatal check up ko, pinupuntahan pa kami dito sa bahay para lang itanong nang itanong kung san kami pumunta. Like wth, mukha ba kaming namasyal? Fast forward, ngayon ayaw na magwork nung brother-in-law ko which is kasama nung in-laws ko sa bahay. Napapansin ko na nagpaparinig si MIL samin na nahihirapan daw sila (si hubby ko lang kasi professional sa mga anak nya). Naistress ako. Lalo na dahil kahit nasa ibang bahay kami, ramdam ko parin na binabantayan nila ko maya't maya. May times na pagnapapatingin ako sa pinto, nakasilip sila. Although kung they want to check kung okay lang kami, ayos lang sana. Kaya lang ang tagal kami sinisilip mula sa labas. Ang gastos pa nila sa bahay nila gaya ng tubig at kuryente. Di naman ako against dun kung kaya naman tumulong ni hubby (no work kasi ako) kaya lang kung laging ganun, kami ang mahihirapan. Hirap din mamalengke/magrocery kasi all eyes sila sa mga binibili namin (madalas silang nakatambay sa labas ng pinto namin). Kung ako tatanungin, gusto ko bumukod completely kaya lang ayaw ni hubby. Hays. Any thoughts po mga momsh?

27 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Better na wag mo nlng muna pansinin isipin na nila kung anu gstu nila icpin, gawin na nila kung anu gstu nila gawin ang importante ang baby mo baka makasama pa sa baby mo sis pagkapanganak mo nlng cguro convince mo na husband mo lumipat

Thành viên VIP

Mas maganda po kung bumukod na kayo. Kasi baka pag nanganak ka mommy baka mas marami na naman silang against lalo na sa mga kasabihan o di kaya pakikialaman nila pagiging mother mo

Thành viên VIP

Swerte ko sa byenan sya nag lalaba ng damit namin at di ako pinag huhigas ng pinggan pag naliligo ako sa labas sya pa nag bobomba sa paligo ko 🥰

Lalo ka mastress oag nanganak ka na. Ganyan din ako bedrest ako silip sin ng silip ngayn nanganak nko lumala halos gusto ata nila tumambay sa kwarto bamin

grabe naman yan. lipat kayu ng ibang bahay sis kong ganyan ka sigurista MIL mo baka maging dahilan pa yan ng awayan nyu ng hubby mo

Nabasa ko sa umpisa naka Bukod Kayo nang bahay pero bat sa last part na Parang nakasama Naman na Kayo ano Po ba Talaga ttoo

4y trước

Ayy Ganon ba

Nako mamsh same tayo nakakainis na kaya mas maganda talaga bukod na yung medjo malayo para walang pakelamanan

Ang matter neto pag dating sa pagbubukod. Pag usapan niyo yan ni hobby mo momsh ng mabuti :)

Encourage mo asawa mo magbukod. Iopen up mo sa kanya yung ganyan observations mo

Thành viên VIP

Ilock mo lagi pinto sis haha.. Charot lang .. Nkakainis talaga mga byenab

4y trước

Always sis nakalock haha lalo na kapag namamalengke/umaalis si hubby