ang hirap ?
Mga moms, pwede pa vent out lng nararamdaman? ? yung feeling na halos di ka inaalagaan ng mama mo after mo manganak? Yung asawa ko sa malayo kasi nagwowork, linggohan kung umuwi. So ako lng natira sa bahay namin. Pero dito lng din sa bahay ng mga magulang ko. Pag umuuwi asawa ko, inaalagaan nya ako, CS kasi ako. Mag to 2mos pa. Nilulutuan, lahat2. Pero yung mama ko, halos di nagluluto, ayaw labhan mga damit ni baby kahit nahihirapan pa ako. Ako na lng gumagawa lahat. Minsan din naman nagluluto xa, pero yung gusto mo sana maramdama mo na mama mo xa ngayon na panahon. Natatakot ako mabinat huhu. Kaya minsan ako na lng gumagawa lahat. Kahit nung nasa hospital pa ako, dumadalaw xa pero saglit lng. May dalang pagkain pero walang ulam, tinatamad daw xa magluto. Until di na cla pumupunta ng hospital para bisitahin ako. Umiyak talaga ako nun kasi di ko na feel na mahalaga ako. Kahit ngayon man lng na nanganak ako. Yung kahit man lng lutuan niya ako kahit ako na maglaba. Yun lng naman eh. At pag sasabihin ko na magwowork na ako pag 6mos ni baby, di daw xa mag aalaga sa apo nya bahala daw ako. Bakit ganun. Parang di ako anak. ? mabuti pa yung MIL ko, gusto nya dun daw kami para xa naman daw mag alaga sa apo nya at maglaba ng mga damit ni baby. Kahit nung sa hospital, xa nagbantay sakin whole night, pero mama ko di nagawa yun. Gusto ko dun magstay, pero bukid kasi dun, wala gaanong tubig. Kung malapit lng tlaga MIL ko, dun ako magsstay kasi dun, naalagaan ako. Haay sorry po kung mahaba. Mabigat lang kasi sa dibdib. ???