pikunin

Hi mga moms.. paadvice naman. Paano po kaya ite- train yung anak ko na hindi maging pikunin , mahina po kase siya sa mga asaran madali siya mapikon, yun ang nagiging problem nya sa school madalas siyang umuuwi nag susumbong na lagi tinutukso ng mga classmates nya minsan sa daw ayaw nya na lang pansinin pero di nya daw matiis na umiyak at lumaban lagi daw tuloy siya ang napapagalitan ni teacher lalo na pag napapasigaw siya sa inis. Malusog na bata po kase siya at consistent honors student sa class nila pero yun lang daw talaga problem nya hirap siyang icontrol yung feeling nya na biglang magalit kapag nag aasaran sila ng mga classmates nya. 10 years old na po siya.

1 Trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Sa experience ko sa students ko, it's better na nagsusumbong sa akin ang mga nabubully na kids. Para aware ang teacher na may ganung nangyayari. Tell him to tell the teacher instead na magalit sya. Talk to the teacher also, nicely. Tell the teacher that bullying is happening. the teacher should do something about it. At home naman, you should just reinforce ang self -esteem nya by affirming his strengths. Doble effort. Pero if things get worse, introduce him to a sport. It's a great way to help him lose weight and gain confidence. -- i was a chubby kid and a chubby adult. I know how it feels.

Đọc thêm