softdrink.

Mga moms okay lang nmn uminom ng soft drinks diba? Mga 2 times a day?

67 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi
Thành viên VIP

Ako di ako mahilig sa maaalat kahit nung di pa ko buntis. Pero dahil sa init ng panahon nung mga nakaraang buwan at nakikita mo family mo umiinom ng malamig na softdrinks maeengganyo ka din talaga uminom. Kaya nung nilagnat ako, kinabukasan nagpacheck up na ko at nagkaron ako agad ng UTI. Yan po talaga yung unang pinagbabawal ng ob na inumin. 😞

Đọc thêm

Mommy, actually di naman talaga okay uminom ng softdrinks preggy o hindi. I suggest hinay-hinay, once or twice a week siguro, tapos isang baso lang maximum. Lalo kung di ka pa na-test sa gestational diabetes. Mas mainam kung fresh fruit juices ang inumin mo tsaka plain water 👍 Ask mo si OBGyne mo din for advice, para magabayan ka.

Đọc thêm

Wow grabe yung 2x a day na softdrinks ah. Tapos ilang ml? Or baka litro pa yan. Tsk, tsk. Pwede naman halos lahat ng food saten mga preggy pero wag naman tayo sosobra. In moderation lang po lahat. Masama ang softdrinks sa buntis lalo na mataas ang sugar at may caffeine. Baka hindi magdevelop.ng maayos si baby.

Đọc thêm
5y trước

Tiis ka muna mamsh. Pwede ka naman tumikim minsan para hindi ka masyado mag-crave. 9months lang na tiisan to mamsh. Kaya natin to! 💪

Gano kadami yung 2 times a day? Heheehe,,, ako kasi as much as possible iniiwasan ko, pero minsan nakakatempt lalo na kapag nasa fastfood or magsoftdrinks ang mag-ama ko, pero hanggang tikim lang ako like 1/4 cup.. Para malasahan ko lang,,, hirap kapag nagka uti mommy kawawa pareho kayo ni baby...

Kung gusto mo magka UTI at ulcer tulad ko go sulitin mo take note minsan lang ako mag softdrinks ha pero grabe ng sobrang lumala ang ulcer ko na umabot sa puntong sinabihan ako ng doctor na kapag di ako gumaling with in the month pwede ko ikamatay

2 times? Mas maganda po siguro kung bawasan pa mommy. Mas maganda nga rin po kung tikim lang. Hindi as in isang baso. Pero depende pa din po yan sayo basta make sure na iinom ka ng tubig. Mas marami pa sa na consume mong softdrinks

Most softdrinks po ay may caffeine, kung ikaw ay nasa first tri wag po munang uminom. Kung 2nd tri to 3rd limit your caffeine intake and always ask your ob-gyn kung pwede sayo kasi mamaya mataas pala sugar level mo edi bawal yun.

no. madami ka namn pwede alternative. un na lang muna itry mo. isipin mo palagi for the sake of your baby. tiis lang muna. pero para naman hindi k mlungkot, try mo konti lang. 😂 then inum ka na lang water madami.

iwas po tayo momsh kasi baka mag cause ng uti pwede po kasi ma adopt ni baby yung uti ganyan po nangyare sa ate ko mga anak nya may uti. eh hindi naman po pinapakain ng ate ko yubg mga anak nya ng masyadong maalat.

Ahahahaha 2 times a day pa... ok pa sana kung 2 times a week. Bawas ka na sa soft drinks kung malalaman mo lng qng gano karami ang sugar ng soft drinks baka manlaki mata mo at pagsisihan mong uminom