College undergrad
Hi mga moms. Im 23 years old po and college undergraduate. Hiwalay na po kami ng father ng baby ko. 3 years old na po baby and nag agree po kami na mag coparenting. Sa tingin nyo po, okay lang po kaya na mag tuloy ako sa pag aaral? May full time work din po pala ako now and nakabukod. Isa po sa mga dapat kong i consider ay yung layo. Taga Cavite po yung father ng baby ko and sa sorsogon po ako magtutuloy ng aral. Sa sorsogon po ako na public university nakapasa. Yung parents ko po ay taga Laguna and hindi po ako in good terms with them. Ako lang po nag aalaga sa baby ko while may full time job. (Wfh) Iniisip ko po sana ay dun muna yung baby ko sa father habang nag aaral ako. Or try ko po coparenting, like ilang months ang baby ko sa father then dito naman sa akin after. Iniisip ko lang po kung saan makakahanap ng taga alaga tuwing may pasok ako. Natatakot din po ako na mapalayo loob sakin ng baby ko. Worth it po kaya na mag aral ulit? Salamat po