Ultrasound before giving birth
Hello mga moms, ask ko lang po kung may nagpaultrasound po ba rito bago sila manganak? Plano ko po kasi sanang magpaultrasound ulit (last ultrasound ko last Nov), 33 weeks po ako ngayon at napapadalas ang pananakit, paninigas ng tiyan ko at yung feeling na naglalabor ako. Sinabi ko na sya sa ob ko binigyan nya lang ako ng pampakapit at nireco na wag magpapagod at maglalakad. Medyo nag-aalala lang kasi ako kay baby kaya balak ko po sanang magpaultrasound para makasigurado kahit di naman sya nireco ni ob. Any advice po? Salamat po.

