Grandparents know it all
Hi mga moms, ano gagawin ko yung lola ko kasi pag umiyak si baby lage nya kinukuha then sasabihin nya wala ako ginagawa. Sinanay nya din na lageng buhat si baby kasi wala naman daw ako ginagawa kaya lage ko nalang buhatin pero pag lage buhat sasabihin nya na ibaba ko daw naiinitan na daw ung bata. Tapos ayaw nya ipapatay yung ilaw namin sabe ko para malaman na nya yung araw at gabi sabe nya wala pa yang alam 1 buwan palang yan. Sa totoo lang nasstress na ako sa kanya kaso matanda kasi at mahal ko naman sya kaso sobra na kasi. Hay naiiyak ako ngayon.
Hehe pagpasensyahan mo na sya mommy.minsan tlga lumalabas ap din ung pagiging nanay nila kht sa mga apo. hehe pero pwede mo naman sya kausapin about sa parenting style mo. Explain mo nlng sa knya na this is ur way ng pagestablish ng routine kay baby.kng di man nya maintndihan ngyn atleast naexplain m na sa knya later on makikita nya rin ung efforts mo sa pagaplaki sa baby mo.kanya kanya nmn tlga tyo ng style dba depende rin sa baby natin kc iba iba rin sila ng ugali. Anyway pwede mo naman ipakita sa kanya ung mga nacopy mo na style nya and appreciate kng gaano kaeffective kay baby un. With regards naman sa ilaw,try mo po ung dim light or lamp shade.kaya lng naman nila gsto may ilaw kc para maprotect mo si baby sa mga insect na lalapit sa knya. Dont worry sis. Mgiging ok din yan. Wag kna malungkot.cheer up😊
Đọc thêmHayaan mo nalang po. Ikaw nalang magpasensiya kay Lola. Ganyan po yata talaga pagtumatanda, kumukulit din. Tayo talaga magpapasensiya. Sabi mo nga, love mo naman si Lola. Alam kong kayang kaya mo siyang pagpasensiyahan. Basta gawin mo pa din yung kung anong alam mo mas makakbuti kay baby. Kung may ayaw ka sa way niya, expalin mo nalang maayos at mahinahon. Respect pa din po sa Lola. Sa ilaw naman, ako di talaga ko nagpapatay ng ilaw hanggat mag3months si baby ko. Kung di ka sanay ng maliwanag, mag dim lights ka nalang para kahit papano makikita mo pa din si baby.
Đọc thêmdear, kung kaya mo ipacify yang lola, please do. kc ganyan din ung inlaw ko pero d naman pala kaya bantayan c baby. hanggang sita lang. pinag igihan ko nga lang ung pag alaga para walang masabi (kahit wala akong experience sa pag alaga before my son). pinairal ko nlng mother instinct ko. natuto akong magpaligo ng baby via youtube. Good thing nakabukod kami ng bahay kaya kahit papano hindi namin kasama ung lola 24/7 (else mag aaway talaga kami sa pange ngealam nya)...
Đọc thêmMommy isipin mo nalang atleast me nag ga guide sayo. Nasasayo padin naman if susundin mo si lola or no. And about naman dun sa ilaw, aq as much as possible gusto ko talaga may ilaw baby ko kasi i want to see her everytime nagigising ako to check her. Lalo na at sabi mo nga wala pa sya 1 mos. At true naman wala pa alam si baby sa night and day ang alam pa lang nia mag sleep at mag latch:)
Đọc thêmSame problem momsh. Kinukuha ni MIL si baby pag umiiyak kahit may hunger cues na si baby pilit niyang pinapatulog ang bata. Lagi pa niyang binubuhat which is nakakainis kasi settled na si baby sa bed pero binubuhat niya. Si MIL din sakit sa mata ng brightness ng phone niya at ang ingay niya sa gabi. Nakakabwiset na sstimulate si baby kasi kinakausap din niya.
Đọc thêmGanyan talaga ang matatanda. Lola ko nga tahimik na baby ko. Iniinis pa palagi pinapaiyak tas tuwang tuwa lola ko pag napapainis nya si baby. Si mama ko naman kontrabida sakin, palagi ako nasisisi, pero wala magagawa mas alam nila yon. Yun nalang din kasiyahan nila yung mga apo nila.
gnyan tlga pag mtanda na 😂 kya aq ndi msyado nalabas kptbhy lng kce nmin MIL q. 😂 kaso nagtatampo kapag di ako nalabas ng bahay. haha! cnsbi sa anak nia galit daw ba ko kce di ako nalabas 😅 hayaan nlng ntn kce mtanda na. 😅
Mas maganda at makakabuti sa inyong mag asawa at anak nyo na humiwalay kayo sa inlaws nyo. Mas magiging peaceful at matututo kayo sa buhay.
N