PANANAKIT NG TYAN AT MINSAN NA PAGGALAW
Hi mga mommys, ask kolang po. First time mommy poko and 24 weeks and 5 days na akong pregnant. Medyo sumasakit po kase tyan ko parang cramps tapos mawawala din, tapos kapag magpapalit ako ng position sa pagtulog sumasakit din. And napansin kopo di masyadong gumagalaw si baby. Minsanan nalang po. Dati naman kapag nagpapatugtog ako gagalaw sya tsaka po kapag nilalaro, ngayon hindi na sya masyadong active. Dahil siguro to sa stress dahil 3 days ng walang ilaw samin tuwing gabi. Naiistress ako at naiinis dahil ang daming lamok. Mag-isa lang ako sa bahay namin dahil wala naman akong asawa. Wala din papa ko dahil nasa work sya. Ano poba dapat kung gawin? Sa july 11 pa follow-up check-up ko. TIA