Help pls! Ayaw na ni Baby mag dede sakin :(
Hello mga Mommy! I just want to ask some tips para bumalik si Baby sa pag dede sakin. Breastfeeding sya from the start then by December 2020 tinary ko sya padedehin gamit ang feeding bottles (milk from me parin naman), working kasi ako so Im afraid na dumating yung time na mag start na kong mag report sa Office eh hindi sya dumede using feeding bottles. At first hindi nya pa dinede yung nasa bote pero di ko sya pinilit. Sa 2nd try na binigay ko dindede naman na nya. From then salitan na sya sa pag dede, feeding bottles and sakin. But pag gabi sakin lang sya na dede. Last Dec 25, whole day pa syang dumede sakin. But the following days even night ayaw na nyang dumede. Yung mother ko pinagagalitan na ko kasi kung ayaw daw dumede sakin, mag extract nalang daw ako ng milk then put it in a bottle. Nag away pa kami kasi ayaw kong pumayag that night na bigyan ng milk si Baby using feeding bottle kasi katwiran ko dapat nyang matutunan na every night sakin sya dapat dumede. From then ayaw na nya talaga dumede sakin. Pag isusubo ko sakin yung breast ko, iiyak na sya kaagad even maganda naman yung mood ni Baby. I try na some tips I read here kaso wala parin. Please help me na bumalik si Baby sa mag dede sakin. She's only 3months old on Jan 25,2021.