hello mga mommy 👋 Sino sa inyo dito ang may baby na hindi dumudumi araw araw? Yung baby ko kasi mag tu two months na pero hindi na sya dumudumi araw araw umaabot na ng 5 days hindi pa rin dumudumi, kung hindi pa susupositoryhan. Paulit ulit syang ganito. simula 3 weeks old sya nag bago na ang pag dumi nya , dati kasi regular naman sya dumudumi as in araw araw amga 2 to 3 times. pure breastfeed si baby. Baka lang may nakaexperience na sa inyo ng ganito please pashare naman ng tips kung ano ginawa nyo para mag regular ulit poop ni baby. Naipacheck up ko na sya sa pedia, pero niresetahan lang sya ng gamot pampalambot ng dumi. Within 3days pag dipa nag regular ang dumi, susupositoryhan na naman. Tapos within 7 days pag di pa rin nag regular ang dumi, follow up check up nmn. Baka lang may alam kayo na ibang tips para mag regular dumi ni baby aside sa advise ni doc. Araw araw ko rin naman minamassage in circullar motion at Iloveyou massage si baby wala pa rin. Umuutot sya madalas pero wala poop 🥺 May maissugest po ba kayo na mga dapat ko kainin para matulungan si baby na makapoop na? Please share your best practices po mga momshie. First time mom here. Thank you in advance po ❤️