Hirap magpoop
Mga mommy sino po kaya may same case ng baby ko dito ? Kasi yung baby ko po hirap magpoop ng kanya , kailangan ko pa po sya imassage at itaas ang paa bago sya makapoop kahit malambot naman po yung poop nya . Once lang po sya magpoop at tuwing 4 or 5am lang sya nagpopoop . Gabi gabi kaming ganun , halos umiyak na sya kakaere at talagang hirap na hirap pero di nya talaga mailabas yung poop nya hanggat diko minamassage at itinataas ang paa , simula ng ipinanganak ko sya twice ko lang sya nakitaan na kusang nagpoop sa diaper , 1mos at 2 weeks na po sya . Normal pa po kaya yun ? Naawa na po ako kay baby e . 🙁😢 TIA