1 Các câu trả lời

Hi mi buti naiadmit mo agad si baby mo napakadelikado ng pneumonia.. Isipin mo nalang po gagaling siya agad 1week na gamutan yan kung papauwiin si baby may ibibigay yan oral meds pero mas ok makumpleto antibiotics sa swero.. Si 1stborn ko ganyan din naadmit nagkapneumonia siya hirap sa paghinga buti naagapan namin mahirap kasi magself medicate kaya pag ganyan sa paghinga na usapan at naglalagnat na isugod na agad sa hospital. Eto naman ngayon feb2022 nanganak ako nagka sepsis with pneumonia buti nadetect agad after ko ipanganak kaya naadmit sa Nicu for 1week pinakumpleto ang antibiotics. Kaya mi wag ka mag alala kaya yan ni baby mo isipin mo nalang na mas ok talaga naiadmit niyo ng mas maaga kaysa lumala.. Getwellsoon kay baby mo po

buti na nga lang tlaga pina admit ko kaagad. nag si self medicate lang tlaga ako kasi dati pag may ubo xa dala ng allergy o sipon, gumagaling kaagad. pero iba kasi ito ang taas ng lagnat ni baby at iba yung ubo niya, hirap siya. hindi siya nahihirapang huminga, nahihirapab lng tlaga xa s ubo niya. grabe sobrang sakit sa dibdib mi na makita ang anak na nahihirapan. salamat medyo gumaan yung loob ko..grabe antaas ng anxiety ko. nag start ubo niya saturday, nadala ko s ospital lunes na kasi naglalaro pa siya at masigla pa. tapos nung pag ka lunes na ayun ansama sama na ng ubo kaya dinala ko talaga.

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan