Preterm Labor & Preterm premature rupture of the membranes

Hi mga mommy share ko lang yung experience ko.. Feb. 12, 2020 around 7:30pm katatapos ko lang mag snack tapos bumalik na ko sa room namin then pag higa ko may naramdaman akong parang reglang bumulwak ganun yung feeling tapos pag check ko sa undies ko water sya madami as in basang basa yung underwear ko so nag tanong ako sa tita ko at hipag ko kung normal ba yun at pareho sila ng sinabing hindi nila naranasan yun so ako confused pa rin kung ano yung tapos habang nag lalakad pabalik ng room may naramdaman nnaman akong lumabas na water.. (1st pregnancy ko po kaya wala talaga ko alam kung ano ngyayare sakin that time) so nag chat na ko sa lola ko sa kapatid ko sinabihan ko na rin yung asawa ko tapos di ko pa rin alam gagawin sabi lang sakin mahiga muna at itaas ang paa ko at nung dumating yung asawa ko after 20 mins dinala nya na ko sa hospital.. Pag dating sa ER sinabi ko yung nangyare after ng interview sakin dinala agad ako sa OR (dun palang nag sisink in sakin na "Hindi basta basta yung nangyari" nung una kasi ayaw ko pa mag padala sa hospital dahil wala naman ako nararamdaman) may isang room dun na minonitor ako at si baby..may nilagay na strap sa tyan ko para mamonitor ang heart beat ni baby at kung may contraction.. Habang minomonitor pumasok yung resident OB tapos nag explain ng posible na nangyayare sakin.. After ng pag monitor may ginawang procedure yung ob nag IE sya tapos chineck kung sa panubigan ba talaga nangagaling yung nalabas at confirmed! Amniotic fluid nga yun.. So nag explain sya ng mga possible na mangyare dun palang umiiyak na ko dahil sabi nya pwede lumabas si baby 23 weeks palang sya at pag lumabas sya di nya pa kakayanin ?.. Maya maya dumating yung OB ko talaga at inexplain yung result ko sabi okay naman ang heart beat ni baby pero may contraction na daw ako (di ko alam na nahilab na pala ang tyan ko.. Yung paninigas at parang ngalay yung likod ko isang sign na pala yun) Sabi nya na ittry muna ako ihydrate para mapunan yung water na nawala.. Bibigyan rin ako ng antibiotic at pampakapit kay baby.. Sabi pa ng ob ko na kung gusto na talaga lumabas ni baby di na namin mapipigilan dahil kung hydrate sila ng hydrate sakin at oatuloy ang pag leak ng amniotic fluid ni baby infection ang kalaban namin dalawa kaya sabi nya na dalawang option lang kung okay at tumigil yung leak itutuloy ng pag bubuntis pero kung hindi na enough ang fluid ang natural reaction daw ng katawan e ilabas si baby sobrang nanghina ko sa narinig ko at sobra kong naiyak di ko kakayanin pag nawalan ng heart beat ang baby ko.. Thank God after 3 days okay ang heart beat ni baby normal at yung amniotic fluid ko is enough naman.. So pinauwi na kami ng ob ko at nag home medication nalang ng antibiotics at duvadilan at syempre bed rest ng 3weeks.. Thanks God talaga at di nya kami pinabayaan.

Preterm Labor & Preterm premature rupture of the membranes
57 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi
Thành viên VIP

God bless sa inyu.. Buti umokay.. Lakas ni Baby.. 😘❤️

Ako noong 2016, naubusan ng tubig c baby @19 weeks. Namatay cia...

5y trước

Sorry for your loss mamsh Yun ang kinakatakot ko kaya kahit sabihin na bawal ma stress di ko talaga mapigilan umiyak sa asawa ko ng hagulgol.

Kinakabahan nman ako habang binabasa to buti naman okey na

Praying for your safe pregnancy journey momshie!!

Fight lng baby and momsh... God is good ❤

Glad you're both safe momsh. Rest po muna.

Momie san ka nanganak private or public

Safe pregnancy po, mommy. 🙏🙏🙏

Thank God be strong mami pra kay baby

Thank God at safe kau ni baby po....